Monday , December 23 2024
Leni Robredo Antonio Trillanes

Bilyong pondo matitipid sa ‘full disclosure policy’ ni Robredo

IPATUTUPAD ni Vice President Leni Robredo ang “full disclosure policy” sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno sakaling mahalal bilang pangulo ng bansa.

“Alam naman natin na bilyon-bilyon ang nawawala sa mamamayan dahil sa katiwalian,” ayon kay dating senador Antonio “Sonny” Trillanes, na kilalang fiscalizer sa gobyerno.

“Ilang milyong pabahay na ‘yan? Ilang kilometro ng farm-to-market roads? Ilang magsasaka, mangingisda o urban poor na ang mabibigyan ng ayuda?” ayon sa dating senador.

Sa datos mismo ng pamahalaan noong 2019, halos P1.4 trilyon ang nawala sa kaban ng bayan dahil sa korupsiyon sa lumipas na dalawang taon, o katumbas ng halos 20 porsiyento ng annual budget ng bansa.

Ang pera ay sapat na sanang makapagpatayo ng 1.4 milyong bahay para sa mahihirap, o makapagbigay ng medical at educational assistance sa pitong milyong Filipino.

“Maraming magagawa si VP Robredo sa pondong ‘yan,” ayon kay Trillanes na tatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem.

Suportado ng dating Navy officer ang plano ni Robredo na mahigpit na ipatupad ang ‘full disclosure policy’ na isasapubliko ang lahat ng transaksiyon, kontrata, at pagbili sa pamahalaan.

“I firmly believe that only VP Leni has the character and political will to implement this policy to the fullest,” aniya.

“Wala siyang bahid ng katiwalian, hindi siya ang tipo ng taong magbabayad ng utang politikal sa mga tumulong sa kanya, at mas lalong hindi siya hawak ng kung sino man,” ayon kay Trillanes.

“At alam natin kung paano humawak ng pondo si VP Leni,” dagdag niya.

“Doon sa kakaunting budget ng kanyang tanggapan, napakarami na niyang nagawa. Paano pa kaya kung siya na ang pangulo? We can expect great things to happen under her administration,” ayon kay Trillanes.

Sa ginanap na presidential debates, inihayag ni Robredo, magiging unang Executive Order niya, sakaling mahalal, mahigpit na ipatupad ang “transparent governance.”

“Ire-require ko ‘yung lahat na government offices and instrumentalities to make public all their transactions, all the contracts, all the procurements, even without need of request from anyone,” ani Robredo.

Inilarawan ni Trillanes ang patakaran ni Robredo na isang “epektibong pamamaraan upang masawata at maiwasan ang korupsiyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahalintulad sa kanyang panukala na magkaroon ng livestream sa public biddings.

“Itong ‘full disclosure policy’ ni VP Leni at ang aking panukalang livestream at video recording ng lahat ng public bidding ay malakas na deterrent laban sa korupsiyon,” aniya.

Sinabi ni Trillanes, maaaring gamitin ang video recording sa prosesong administratibo at kriminal laban sa corrupt officials.

“Tulad ni VP Leni, ako rin ay may personal anti-corruption advocacy, at naniniwala ako na kapag automatic ang pagbibigay sa COA at Ombudsman ng recordings ng public bidding ay malaking kabawasan ito sa katiwalian, or at least ‘yung mid-level corruption,” diin ng senador. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …