Monday , November 18 2024
Vilma Santos MET

Vilma naluha nang bumisita sa MET

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest vlog ni Vilma Santos- Recto na ang title ay Balik Metropolitan Theater si Ate Vi (A reunion after 27 years) ay ipinakita niya ang pagbisita sa bagong renovate na Metropolitan Theater (MET), na naging tahanan/venue noon ng musical variety show niyang Vilma, na napanood mula 1986 hanggang 1995.

Nagkita-kita sila roon ng mga dati niyang kasama sa Vilma na sina Chit Guerrero, executive producer ng show; Maribeth Bicharra, choreographer, at Roderick Paulate na  bestfried niya at naging regular co-host sa show.

Isang malakas na tili ang bati nila sa isa’t isa nang magkita sila sa entrance ng MET. At hindi napigilan ni Ate Vi na  maluha nang makita niyang muli ang venue.

Nilibot nila ang buong theater, at pinag-usapan ang mga karanasan nila habang ginagawa nila noon ang Vilma.

Sobrang saya ni Ate Vi  habang tinatingnan ang bawat sulok ng gusali.

Binalikan nila ang ‘di malilimutang experiences, lalo na kapag nakakasalamuha roon ng Star for All Season ang kanyang fans. Isa ito sa mga nami-miss ni Ate Vi.

Ganoon ko kamahal ‘yung fans. Parang… hindi ko alam kung paano ko susuklian ‘yung pagmamahal nila sa akin. Para magtagal ako sa industriya talaga.

“I just miss my life in showbiz. Nakikita ko silang nahihirapan.

“Imagine, ang iba hindi pa nagla-lunch, nakapila na maaga para makita ka lang.

“Bumibiyahe. May mga nanggagaling sa probinsiya, na dala ang bus nila. Hindi kumakain, knick-knack knick-knacks lang siguro just to see you.

“So, every time dumarating ‘yung sasakyan ko, talagang malaking bagay na ‘yung makamayan ko sila. ‘Yung makita nila ako nang malapit at mahawakan,” pagbabalik-tanaw ni Ate Vi.

About Rommel Placente

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …