Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheree Keith Martin

Sheree kakawayan si Keith sa veranda

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KAPIT-CONDO pala ng sexy Viva HotBabe na si Sheree ang pumanaw na international singer and composer na si Keith Martin, na matagal ng piniling manirahan sa bansa.

Taong 2004 pa lang nang magsimula ang pagkakaibigan nina Sheree at Keith nang mag-collaborate sila sa isang kanta ni Sheree.

Kapag nga nasa condo lang silang dalawa, nagkakawayan pa sila kapag lumalabas si Keith sa kanyang veranda. At madalas naman silang magkita at minsan nga ay kumakain pa around Eastwood.

Kaya nagtaka si Sheree nang hindi ito sumagot para pag-usapan pa ang ilang mga bagay na may kinalaman sa bago nilang collaboration.

Usually, sumasagot ito agad. Pero nang hindi agad na sumagot, inisip naman niya na baka abala lang ito o may ibang inaasikaso.

Noon pa raw, nasasabi na ni Keith na madalas sumasakit ang dibdib nito. At iniisip lang na baka dahil sa pagja-jogging sa palibot ng kanilang tirahan. Napakasarap kasing kumain ni Keith ng mga paborito nitong pagkain.

At pumanaw na nga ito at ilang araw pa bago natagpuan sa kanyang condo unit. Mag-isa lang si Keith doon kahit narito sa Pilipinas ang anak na lalaki. Pero ang pamilya ay nasa Amerika. At matagal na ring nawalay sa ina ang kanyang anak.

Pinili ni Keith na sa bansa na mamalagi dahil nakita nito ang kakaibang pagmamahal ng Pinoy sa kanya. Lalo na sa artists na naka-collaborate na niya. Kaya naging misyon na rin nito ang tumulong sa mga baguhang artists sa pagkabata, at paggawa ng kanta.

Si Sheree ang tinawagan ng closest friend ni Keith nang malaman na ang nangyari para siyang mag-identify kay Keith nang dumating na ang ambulansiya.

“Noong una, confused ako. Noong may ambulansiya. It was a nightmare for me. Nagulat ako talaga. Pero, wala pong foul play. Sa autopsy findings, heart attack talaga.”

Naiiyak pa rin si Sheree nang kausapin siya ng mag-asawang Tin at Julius Babao. Lalo na nang kantahin niya ang ilang linya mula sa paborito at lagi niyang nire-request kay Keith na Because of You.

Ang puso ni Keith ay nanatili sa mga Filipino. Na karamihan sa artists natin ay na-touch niya ang mga buhay sa kanilang mga kanta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …