NANGAKO si Vice President Leni Robredo na magtayo ng isang matatag at matibay sa bagyong pampublikong impraestruktura, lalo ang mga evacuation center, na kailangan sa isang bansa na hinahagupit ng dalawang dosenang bagyo sa isang taon.
Ito ang nilalaman ng nilagdaang covenant ni Robredo sa pagitan ng mga pinuno ng komunidad sa Borongan, Eastern Samar, tulad ng kanyang bayan sa Bicol, ay regular na tinatamaan ng mga bagyo.
Ang dating kongresista na si Teddy Baguilat, tumatakbong senador, ay nagsabi na si Robredo ang tanging kandidato na may matibay na kaalaman kung paano dapat isagawa ang disaster resilience, response, at mitigation.
“She is a boots-on-the-ground person. ‘Yung iba diyan, merely reads about global warming from teleprompters. Si VP is a first responder to the damage it is doing,” ani Baguilat.
“This experience of seeing the effects of climate change first hand, plus the mastery of the policies involved, and of the programs required, makes her the perfect leader to preside over a nation of 110 million that is one of the most disaster-prone in the world,” dagdag ni Baguilat.
Sinabi ng bise presidente, ang mga lugar na nasa regular na daanan ng bagyo ay dapat yakapin “ang mga permanenteng solusyon” sa pagbuo ng katatagan.
“‘Yung lalawigan ninyo, saka ‘yung buong Samar island, parang Bicol din,” ani Robredo.
“Lagi tayong dinaraanan ng bagyo. Kaya kailangan talaga maghanap tayo ng mas permanenteng solusyon,” sinabi ni Robredo sa local officials Governor Ben Evardone.
Dagdag nito, hindi lamang mga gusali ng gobyerno ang dapat ma-rate upang mapaglabanan ang malalakas na bagyo, kundi pati na rin ang mga paaralan at bahay.
“‘Yung mga infrastructure dito, lahat dapat typhoon resilient. Hindi lang ‘yung mga government buildings, pati ‘yung mga bahay saka mga paaralan,” pahayag ni Bise Presidente Robredo. (GINA GARCIA)