Monday , December 23 2024
Enzo Pineda Mickey Ferriols Atty Maria Angelica de Ramos Dok

Mickey at Enzo magpapaiyak sa pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

ISANG napapanahon at makabuluhang pelikula ang mappanood simula  April 06 (Wednesday) in selected cinemas na pinagbibidahan ni Enzo Pineda,!ang Dok na hatid ng Donya Productions ni Atty. Angie De Ramos na siya ring direktor ng pelikula.

Ang Dok ay isang family drama movie na base sa totoong pangyayari sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Ginagampanan ni Enzo ang role na doktor, kasama si Mickey Ferriols.

Masaya at  very proud si Enzo na makasama siya sa pelikula na siyang kauna-unahang pelikulang Pinoy na ipalalabas  sa mga sinehan simula nang magkaroon ng pandemya.

Bukod pa sa kakaiba ito sa mga role na nagawa niya sa mga naging pelikula niya, nakare-relate siya sa istorya ng movie dahil isa rin siya at ang kanyang ama na nagka-covid.

Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat niya kay Atty. Angie sa pagpili sa kanya para magbida sa pelikula.

At sa naganap na premiere night ng Dok kamakailan ay bumaha ng luha sa dami ng makabagbag damdaming eksena sa pelikula at sa napakahusay na pagganap nina Enzo at Mickey.

Bukod sa kahusayan nina Enzo at Mickey, ‘di rin nagpahuli at mahusay din ang pagganap sa kani-kanilang role sina Lucky ManzanoRob Sy, at nag baguhang si Maria De Ramos at ng batang gumanap na Dok na si Aryan Akthar.

Punompuno ng puso ang pelikula, mahusay ang pagkakahabi ng mga eksena at maganda ang pagkakagawa ng pelikula ni Atty. Angie bilang baguhang direktor.

About John Fontanilla

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …