Sunday , December 22 2024
Joy Belmonte QC Quezon City Jail

‘World class jail’ isinalin ng QC LGU

PORMAL nang isinalin sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Quezon City local government unit ang pangangalaga sa kauna-unahang “world class” city jail sa bansa, ang Quezon City jail.

Sa ginawang ceremonial turnover kahapon, si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang panauhing pandangal.

Sa okasyon, isinalin ni Belmonte ang symbolic golden key kay BJMP Chief, J/Director Allan Iral habang sinaksihan nina BJMP-National Capital Regional Office Chief, J/Chief Supt. Luisito Muñoz at QC Jail Warden, J/Supt. Michelle Ng Bonto.

Bagamat naisalin sa BJMP ang pinakauna-unahang world class city jail sa bansa, sa susunod na taon pa maaaring gamitin o ilipat ang persons deprived of liberty (PDL) mula sa lumang QC Jail na nasa Barangay Kamuning, Quezon City dahil hindi pa tapos ang mga perimeter wall ng piitan sanhi ng kakapusan ng pondo.

Ang budget para sa perimeter wall ay aabot sa P1.4 milyon.

Sa talumpati ni Belmonte, ipinangako niyang sasagutin ng pamahalaang lungsod ang para sa pagpapagawa ng perimeter walls.

Ayon kay Iral, ang bagong city jail ay kasagutan sa matagal nang problema sa sobrang kasikipan ng lumang QC jail na umaabot sa 3,500 ang kasalukuyang nakakulong ngunit nakadisenyo lamang para sa 800 hanggang 1,200 inmates.

Nagsimulang tumaas ang bilang ng inmates sa piitan noong magdeklara ng gera laban sa iegal na droga si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Iral, ang lupang kinatatayuan ng bagong city jail na may sukat na 2.5 ektarya ay ibinigay ng QC local government unit (LGU) sa ilalim ni dating Qc Mayor Sonny Belmonte. Ginanap ang groundbreaking ceremony, apat na taon nang nakalilipas sa pangunguna ni dating QC mayor Herbert Bautista.

Ang tatlong malalaking gusali ng bagong city jail na may taas na limang palapag ay nagkakahalaga ng P1,397,103,730.56.

Sa nasabing pondo hindi nakasama ang pagpapagawa sa perimeter mall.

Sinabi ni Iral, ang tatlong gusali ay mayroong 440 selda na may sukat na 47 sqm.

“Maiibsan na ang problema sa congestion. Each cell is provided with adequate water, entry of light and areas as per the standard requirement of the International Committee of the Red Cross (ICRC). Sampung (10) inmates ang ilalagay sa bawat selda,” pahayag ni Iral.

Samantala, ayon kay Bonto, ang bagong city jail ay maaaring makakapag-okupa ng 4,400 PDLs na aabot sa 20,880 sqm ang kabuuang bilang ng selda.

Nag-umpisa ang construction ng QCJ facility noong 2018 na nagkakahalaga ng mahigit sa P1.3 bilyon. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …