Saturday , November 16 2024

68-ANYOS LOLA ‘DINUGO’ SA 19-ANYOS GRADE 11 STUDENT (Age doesn’t matter)

NAGPAPAGALING sa ospital ang isang 68-anyos lola sa Iloilo matapos duguin sa panghahalay ng isang 19-anyos estudyante.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente noong Linggo ng gabi sa Barangay Medina, sa bayan ng Anilao, Iloilo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na dumalo sa birthday party ang lola at nandoon din ang suspek na Grade 11 student.

Pagsapit ng 10:30 pm, nagpasya ang lola na umuwi pero nagpresenta ang suspek na kakilala ng apo ng biktima na ihahatid siya sa bahay.

Pero habang nasa daan, doon nagpahayag ng masamang intensiyon ang suspek sa biktima.Sa kabila ng pakiusap ng biktima na matanda na siya at may mga apo na, nagsalita ang suspek na, “age doesn’t matter”

Dahil sa takot na patayin siya ng suspek, wala nang nagawa ang biktima hanggang maganap ang panghahalay.

Nang makauwi nang bahay, napansin ng mga kaanak na dinudugo ang biktima kaya sinabi nito ang nangyari sa kanya na kagagawan ng suspek.Dinala sa ospital ang lola at patuloy na nagpapagaling habang hinahanap ng mga awtoridad ang suspek na, ayon sa ina ay mabait na anak at hindi magagawa ang naturang krimen.

Sinabi ng opisyal ng barangay, may dati nang rekord sa kanila ang suspek dahil sa pakikipag-away.

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …