MAHIGIT isang dosenang aso na nakatakdang katayin ang nasagip ng mga awtoridad at volunteers mula sa isang dog meat trader sa isinagawang pagsalakay sa bayan ng San Ildefonso, sa Bulacan kamakalawa.
Ayon sa Animal Kingdom Foundation at CIDG Bulacan, kalunos-lunos ang kalagayan ng mga aso na isinako at handa nang i-deliver sa buyer sa Baguio at Pangasinan para katayin at gawing karne.
Sinabi ni Heidi Caguiao, AKF program director, ang nahuling suspek ay kilalang big-time supplier ng mga aso sa Bulacan.
“Malakihan po talagang mag-supply ang mamang ito. Nakita naman natin sa kanyang lugar na napakarami pong kulungan. Marami po talagang asong nakakalat doon,” aniya.
Ang pagbebenta at pagkain ng karne ng aso ay labag sa batas, sa ilalim ng Animal Welfare Act, ito ay may karampatang parusa na pagkakulong at multa.
Gayonman, pinaniniwalaan ng mga kumakain nito na aphrodisiac ang karne ng aso pero babala ng mga eksperto, hindi ligtas para sa tao ang pagkain nito.
Ayon kay Dr. Rey Del Napoles, AKF animal health partner, biggest risk ng dog meat trading ay rabies transmission at hindi maipagkakaila na 98% ng rabies cases ay nakukuha mula sa aso, at marami nang naidokumentong kaso na nakuha sa pagkain ng karne ng aso.
Dagdag ni Napoles, bukod doon ay puwede rin magkaroon ng bacterial infection, o ng bulate ang mga karneng ito na hindi nainspeksiyon at hindi dumaan sa tamang proseso.
Panawagan ng AKF sa publiko, kaagad ireport sa kanilang tanggapan o i-message sa kanilang Facebook account ang mga insidente ng pananakit, pang-aabuso, pagbebenta o kalupitan sa mga hayop.
Check Also
DSWD relief goods inire-repack
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN
HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …
Chavit, umaariba sa poll ratings
HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …
Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT
IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …
Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP
KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …