Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban Gregg Homan

Angelica panay selfie sa lumalaking tiyan

HATAWAN
ni Ed de Leon

IBA ang dating kay Angelica Panganiban ng kanyang pagbubuntis. Nagse-selfie pa siya para ipakita ang lumalaki na niyang tiyan. Sinasabi rin niya na para sa kanya, iyan ang pinakamahalagang role na kanyang gagampanan, ang maging isang nanay. Wala naman siyang sinasabing oras na makapanganak siya ay iiwanan na niya ang kanyang career, pero mukhang mababawasan na nga ang oras niya sa kanyang career dahil sa bago niyang role na gagampanan.

Mahahalata mo naman, na kaya ganoon ang kanyang reaksiyon sa kanyang pagbubuntis ay dahil talagang in love siya sa tatay ng kanyang magiging anak, si Gregg Homan.

 Kung tutuusin, maaaring nagbuntis na rin si Angelica noon. Aminado naman siyang nakipag-live in siya sa isang dating boyfriend ng limang taon halos, pero wise rin siya dahil isipin ninyo, nagkahiwalay din naman sila. Siguro noon pa man nadarama na niyang wala pa ring kasiguruhan ang kanyang relasyon kaya iniwasan muna niya

ang magbuntis.

Marami rin ang nagsasabi, tiyak na maganda ang magiging baby ni Angelica. Bakit nga hindi eh, maganda naman siya at pogi rin naman ang boyfriend niyang si Gregg, at sinasabi nga mas gumaganda ang baby kung talagang in-love sa isa’t isa ang kanyang mga magulang.

Ewan kung bakit may ganoon ngang paniniwala ang mga matatanda, na mas maganda ang anak kung matindi ang pagmamahalan ng mga magulang.

Ewan kung totoo nga iyon, pero minsan maiisip mo, puwedeng totoo dahil may mga magulang na nagkahiwalay din matapos magkaroon ng anak, at karaniwan hindi nga maganda ang baby.

Ngayon ay marami na rin ang humuhula kung ano ang magiging anak ni Angelica. Hindi pa naman siya nakakapagpa-scan dahil maaga pa para roon, pero marami na ang nagsasabing malamang babae ang kanyang magiging anak. Totoo naman kasing parang mas maganda pa si Angelica ngayon, at may paniniwala ring ganyan na basta ang nanay ay mas gumanda pa sa panahon ng pagbubuntis,babae ang magiging anak niyan.

Pero naghahanda na talaga sa kanyang pagiging nanay si Angelica, at mukhang happy naman siya talaga sa kalagayan niya ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …

Innervoices

Innervoices tropeo ang mga kanta

HARD TALKni Pilar Mateo TROPEO! ANG iba ansabe sa basurahan daw ang tuloy. Kasi, ayaw …