Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Rapist na Top 6 MWP timbog sa Pampanga

ARESTADO ang isang puganteng nakatala bilang top 6 most wanted person (MWP) ng Pampanga sa inilatag na manhunt operation ng mga awtoridad nitong Linggo, 27 Marso, sa bayan ng Mexico, sa naturang lalawigan.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Robin Sarmiento, provincial director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Ariel Pamintuan, 27 anyos, nakatira sa San Guillermo Village, Brgy. Tinajero, bayan ng Bacolor.

Nadakip si Pamintuan 11:20 am kamakalawa sa Brgy. Pandacaqui, sa nabanggit na bayan, sa inilatag na manhunt operation ng magkasanib na puwersa ng Mexico MPS, Bacolor MPS, Pampanga PIU, RIU3, Pampanga 2nd PMFC at 2nd nd Platoon, 302 MC RMFB3 sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Grace Yeroo, hepe ng Mexico MPS.

Nahaharap ang suspek sa kasong Rape (RPC ART 266-A) with Homicide na inamyendahan ng RA 8353, walang itinakdang piyansa batay sa inihaing warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mary Anne Padron-Rivera ng San Fernando, Pampanga RTC Branch 46.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting police station ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumentong ihaharao sa korte para sa pagdinig sa kanyang kaso. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …