Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Phoebe Walker

Phoebe pupurihin sa galing mag-aksiyon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

I hate drugs.

Kaya itong advocacy film ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency)  na The Buy Bust Queen ay napapanahon. Na naman!

Sa pakikipag-usap namin sa direktor nito na si JR Olinares, sinabi niyang may true-to-life na buy bust queen na pinagbasehan ang pelikula. Hindi nga lang ito pwedeng makita.

Ang katapangan ng mga anak nina Adan at Eva ay totoo palang nasusubukan sa pagsailalim nila sa  masusing training na inaabot ng kung ilang buwan at kailangan ding  nakatapos sila ng 4-year course para maging bahagi ng PDEA.

Saan nakasentro ang pelikula? 

Sabi ni PDEA Director General Undersecretary Wilkins Villanueva, si Direk ang lumapit sa kanya para sa nasabing proyekto kaya, hindi kanila ito. 

Pero sa intensiyon ni Direk, nakita naman ni DG, na napapanahon na para ipaalam na rin sa madla na more than the men, ay marami ring kababaihan ang nagbubuwis ng kanilang buhay at nagsasakripisyo para sa pagse-serbisyo sa nasabing ahensiya at sa bayan. At maging bahagi sa pagsugpo sa paglaganap ng droga.

Tinanong ko kung nasaan na ba tayo as far as the drug war is concerned.

At tahasan, sinabi ni DG na, huwag  tayong maniwala sa mga Marites na nagpapalaganap din ng fake news about it.

Napanood namin ang pelikula, na semi-docu rin ang dating na layuning maipalaganap ito sa lahat ng sulok ng bansa, bago lumabas sa international film festivals.

Tinanong ko ang mga star ng pelikula kung minsan ba sa buhay nila eh dumaan na sa mga kamay nila ang droga.

Si Christian, nagbahagi na sa kinabibilangan niyang industriya, hindi naman kaila na lumaganap din ito.

Si Jeric Raval, never na nagkaroon ng karanasan sa droga. Dahil isinabuhay naman nito ang pagiging malinis at disiplinado pagdating sa pangangalaga sa buhay at kalusugan niya. No vices whatsoever. Siguro babae lang, pabiro naming hirit in his heydays.

At si Phoebe Walker, nakita naman niya ito. Since she was a party-goer. May mga kaibigan at ibang mga taong nakagamit na. At hindi naman ito nakalalampas sa ilang pagkakataong lumilitaw ang paggamit nito na pangkatuwaan sa iba.

Kapag naman pala may nasasabat na  ngayon nga eh tone-toneladang droga gaya ng shabu, nausisa sila kung saan ba napupunta ang mga nasasamsam nila sa mga buy bust operations.

Isang napakahabang proseso pala ang ginagawa para ito mawala. At may mga paraan na ginagamit para ito tuluyang mawala. Ayon ‘yan sa pahayag ni PDEA Director III na itinuturing na tunay na buy bust queen sa nasabing ahensiya na si Charlene Magdurulang.

Na-achieve ni direk JR na maipahatid ang istorya ng mga babaeng ginampanan nina Phoebe, Ritz Azul, at iba pang kasama sa pelikula na may kanya-kanyang hugot sa buhay na makare-relate ang marami. And portraying himself, sinamahan naman ni DG Villanueva sina Jeric, Ervic Vijandre, Alex Medina at marami pa sa mga eksenang pakikipaglaban, kasama ang mga babae ng PDEA.

Ang bad guy na ginampanan ni Christian, even gave a comic relief sa pelikula. Kasama ang maaasahan sa angasan na si Dindo Arroyo. Pati si Ping Medina.

Once again, Phoebe proved her craft in the action genre sa papel niya rito as Gianne sa pagpapakita ng  dedikasyon at commitment bilang agents.

Hindi naman tumitigil si DG. Sa pamamagitan ng inilunsad na Barangay Drug Cleaning Program (BDCP), patuloy ang pagsupil sa pagkalat ng droga at pangangalaga at pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa mga PWUD o Persons Who Use Drugs sa kanilang mga programa sa reformation, rehabilitation, at reintegration to society.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …