Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Julie Anne ibinahagi tunay na relasyon kay Rayver

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview kay Julie Anne San Jose ng Pep.ph, tinanong siya kung ano ang tunay na kalagayan ng relasyon nila ni Rayver Cruz.

Sagot ng dalaga, “Ano po, we really enjoy each other’s company, and ‘yun, happy lang naman po.

“All good things, and we’ve always been close and really best friends and, yeah, we’re just happy to be around each other’s company.”

Sundot na tanong kay Julie Anne kung as a friend lang ba ang closeness nila ni Rayver, ang matipid at makahulugan niyang sagot ay, “We’ll see.”

Nasa panliligaw stage na ba si Rayver?

I think I’m not the right person to answer the question. Mas okay na lang ho kung siya na lang po ‘yung tanungin,” safe na sagot ng singer-actress.

So, kung ganyan ‘yang sagot ni Julie, ibig sabihin, kung hindi pa talaga sila ni Rayver, ay nanliligaw na sa kanya ang aktor. Kasi kung hindi, pwede naman niyang sabihin na hindi ito nanliligaw sa kanya ‘di ba?

Si Rayver ang gusto niyang sumagot, kasi ito ang lalaki na siyang dapat maunang magsalita kung nanliligaw ito sa kanya.

Pangit naman kasi kung aamin siya, tapos baka mag-deny naman ang ex ni Janine Guttierez, ‘di ba? Eh, ‘di mapapahiya lang siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …