Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Ynez Veneracion

Ynez Veneracion, proud supporter ni Arjo Atayde

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Ynez Veneracion na buong-buo ang suporta niya sa award-winning actor na si Arjo Atayde na kandidatong congressman para sa 1st district ng Quezon City.

Ayon sa aktres na present sa sortie ni Arjo, proud siyang suportahan si Arjo dahil sa maraming katangian ng actor na makakatulong sa kanyang constituents sa District 1 ng QC,

Aniya, “Proud akong suportahan ang kandidatura ni Arjo, kasi alam na alam ko yung capacity na magagawa niya bilang kongresista ng Quezon City.”

Wika pa ni Ynez nang usisain namin kung ano ang pagkakakilala niya kay Arjo, “Mabait, matalino, magalang, mapagmahal na anak at higit sa lahat, matulungin sa kapwa. Isa pa pala, sobrang yaman, hahaha! Mayaman ang pamilya dahil na rin sa sipag at tiyaga.

“Si kuya Art (Atayde) ang galing sa negosyo, kaya naging successful! Si ate Sylvia (Sanchez) naman, sobrang daming projects noon, hanggang ngayon. Ang galing pang humawak ng pera talaga.

“Si Arjo naman, ang dami na rin naipon sa pag-aartista at hindi siya bulagsak sa pera. Kaya walang-wala sa bokabularyo ni Arjo ang mangurakot! At tanging hangad na lang niyan ay i-share ang blessings na natatanggap nila sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.”

Pahabol pa ni Ynez, “Ang laki ng puso ng pamilya Atayde sa mga mahihirap. Alam na alam ko iyan, kasi kami nga ay natutulungan nila, kaya lalo na ang mga mas nangangailangan talaga ng tulong nila.”

Sina Ynez at Arjo ay kapwa bahagi rin ng Beautederm family ni Ms. Rhea Tan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …