Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Herbert Bautista
Kris Aquino Herbert Bautista

Tetay ‘binanatan’ si Herbert — ‘Wag n’yo iboto ‘di tumutupad sa pangako

MA at PA
ni Rommel Placente

HALATANG galit si Kris Aquino sa dating karelasyon na si Herbert Bautista. Noong dumalo kasi siya sa campaign rally ni presidential aspirant Leni Robredo sa Capas, Tarlac noong Miyerkoles ng gabi, Marso 23, ay nagpasaring siya kay Herbert.

Pero bago siya nagsalita, hinatak muna niya si Angel Locsin, bilang surprise celebrity guest para sa kampanya ni VP Leni.

Nang bumati na si Angel sa crowd, inihalintulad niya ang solid supporters ni VP Leni sa isang karelasyon na tunay na maaasahan.

Sabi ni Angel: “Kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas.

“Kasi ‘yun naman ang gusto natin sa isang tao, ‘di po ba?

“Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan para sa iyo, hindi tuwing eleksiyon lang.”

Sa sinabing ‘yun ni Angel, ay biglang singit si Kris. Sabi ng TV host-actress, “Gel, pinatatamaan mo ata ako riyan. Aray. Ouch.”

Depensa naman ni Angel kay Kris, “Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni.”

Pero ang sagot ni Kris,”Hindi, ‘yung sinabi mo, may karelasyon.”

Hindi naman nakuha ni Angel ang ibig sabihin ni Kris.  Tanong niya,”Nandito ba siya?”

Sagot ni Kris, “’Yung isa nasa Uniteam, ‘yung ex…”

Hindi man binanggit ni Kris ang pangalan ng kanyang ex, obvious naman na ang tinutukoy niya ay si Herbert, na kabilang sa senatorial slate ng Uniteam nina BBM at Sara Duterte.

Rito na nagpasaring si Kris kay Herbert. Sabi niya patungkol sa dating mayor ng Quezon City, “O, huwag niyo iboto ‘yun, ha.

“Sayang ang boto dahil ‘di marunong tumupad sa mga ipinangako.

“Deadma please.”

Sa puntong ito ay tinawag uli ni Kris si Angel para ipagpatuloy ang mensahe nito para sa crowd.

“Ate, pinapagalitan mo ako riyan, eh,” biro ni Angel.

Hirit ulit ni Kris, “Nagbanggit ka kasi ng karelasyon, eh. Baka may masabi akong masama tungkol doon sa isa pa.”

Katuwa  talaga si Kris, kapag siya na talaga ang nagsalita ay nagiging isyu.

Pero ang tanong, ano kaya ang ibig niyang sabihin na hindi marunong tumupad sa mga pangako? Pangako ba ni Herbert?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …