Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Sweetness nina Rabiya at Jeric ipinakita sa Bohol escapade

MA at PA
ni Rommel Placente

BASE sa Instagram post ng beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo,   kompirmadong sila na ni Jeric Gonzales. 

Noong Miyerkoles kasi ng gabi, Marso 16, 2022, ipinakita ni Rabiya ang kanilang sweet moments ni Jeric na kuha sa Bohol.

May kuha sila sa overlooking Chocolate Hills na matamis ang ngiti nila habang nakatingin sa isa’t isa.

May isa pa silang kuha na magkayakap habang nakatanaw sa sikat na tourist spot sa Bohol.

Sa isa pa nilang picture, nakasuot naman sila ng life vest at ang view nila ay sa tabing-dagat. At kitang-kita ang saya ni Rabiya lalo na sa video na naka-piggyback ride siya kay Jeric habang bumababa ng hagdan.

Ang caption niya rito kalakip ng heart emojis ay, “Live. LOVE. Laugh.Thank you, Eric.”

Reply naman ni Jeric kay Rabiya sa comment section ng post: “Let’s be happy together. I love you.”

Makalipas ang tatlong oras, si Jeric naman ang nag-post sa Instagram ng pictures nila ni Rabiya.

Isa rito ay kuha rin sa Chocolate Hills viewing deck. At may isa pang litrato na kuha habang nasa loob sila ng sasakyan.

To more memories with you @rabiyamateo I love you,” sabi n Jeric sa caption ng IG post.

So, base sa pagsasabihan nila ng I love you, ibig sabihin ay talagang magkarelasyon na sila, ‘di ba?

At bongga si Jeric dahil isang beauty queen ang girlfriend niya huh? At masuwerte rin naman sa kanya si Rabiya, dahil gwapo at mabait siya.

Ang pagkakaalam namin, mula nang magkasama sina Jeric at Rabiya noon sa Wish Ko Lang, ay na-develop ang feelings nila sa isa’t isa na naging dahilan para ligawan ng una ang huli. At sagutin naman siya ni Rabiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …