Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid
Ruru Madrid

Ruru pwede na uling mag-workout

RATED R
ni Rommel Gonzales

HANDA na muling sumabak si Ruru Madrid sa kanyang workout routine matapos magka-minor fracture sa kanang paa habang ginagawa ang stunt sa upcoming Kapuso adventure-action series na Lolong.

“The comeback is always stronger than the setback,” caption ni Ruru sa kanyang Instagram account.

Makikita sa IG account ni Ruru ang pag-flex ng kanyang dream bod at ang kanyang pagbabalik-workout.

Bago nito, inilahad ni Ruru na na-out balance siya sa ginawa niyang stunt kaya nagka-fracture ang kanan niyang paa.

“Medyo nag-alangan ako kasi parang gusto ko pang i-perfect ‘yung scene. Medyo nakulangan sa taas ng talon ko so sabi ko, ‘In this take, tataasan ko na siya,’” saad ng aktor.

Habang ginagawa ko siya, nagulat ako roon sa sarili ko na ganoon kataas ‘yung take off ko kaya pagbagsak ko, unexpected nabigla kong na-twist ‘yung right foot ko,” patuloy niya. “’Di ko kayang tumayo dahil sa sobrang sakit.”

Kaagad na inalalayan ng medical staff na nasa set ang aktor at agad dinala sa pinakamalapit na ospital mula sa kanilang lock-in taping location.

Sa X-ray, doon na nakita ang minor fracture sa paa ni Ruru at pinayuhan siya na magpahinga muna ng dalawa hanggang anim na linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …