MATABIL
ni John Fontanilla
LUCKY year kung ituring ng international singer na si Jos Garcia ang 2022 dahil sa dami ng proyekto at award na nakukuha niya sa first quarter ng taon pa lang.
Naging espesyal na panauhin si Jos sa ASAP online ng Kapamilya Network at tatanggap siya ng panibagong award sa Viral Awards 2022 bilang International Japan Based Singer of the Year. Si Jos din ang magiging representative ng Pilipinas sa 2022 Asahi Tabe Salad Expo sa Osaka Grand Front, Osaka Japan.
Post nga nito sa kanyang Facebook account., “Come and join us.
Jos Garcia and Bernard Palad will be the representatives of the Philippines to perform at International “ASAHI TABE SALAD EXPO” to be held at the Osaka Grand Front.
This event is Brought to you by Asahi Broadcasting.
https://www.asahi.co.jp/tsaladexpo/ “
Bukod pa rito ang kaliwa’t kanang shows sa iba’t ibang lugar sa Japan at sa promotion ng kanyang latest single na Tangi Ka sa Buhay Ko na mula sa komposisyon ni Michael De Lara at isang Japanese song na si Jos mismo ang nag-compose.