Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gina Alajar

Gina Alajar challenge ang mabait na role

RATED R
ni Rommel Gonzales

GAGANAP ang batikang actress-director na si Gina Alajar bilang lola na tutulong kay “Good Boy” sa Philippine adaptation ng hit Korean drama na Start-Up. Gagampanan ni Gina ang karakter ni Mrs. Choi.

Ayon sa batikang aktres, magiging challenge sa kanya ang mabait na role dahil pawang mga kontrabida ang kanyang ginampanan sa nakaraang mga proyekto.

“That would be the challenge, kasi doing kontrabida roles for so long, siyempre my facial muscles are iba na, kasi laging nakasimangot, laging galit, laging nanggigigil,” paliwanag niya.

While of course the character of lola ay gentle and understanding, madali siyang magtiwala at magmahal sa tao,” patuloy niya.

Makakasama rin sa series ang multi-awarded actor na si Royce Cabrera, na labis ang pasasalamat na napabilang siya sa cast ng naturang proyekto.

Sobrang privileged at sobrang thankful sa blessing at opportunity na dumating na ito. Kaya ’di ko talaga sasayangin ang pagkakataon na ito,” sabi ni Royce.

Kasama rin sa proyekto ang Bubble Gang members na sina Kim Domingo at Boy 2 Quizon.

“Feeling ko kami ’yung magbabalanse niyong mga mabibigat na eksena,” ani Kim.

Kahit umatake naman ako ng seryoso matatawa rin naman sila eh,” saad ni Dos. “And definitely I’m really excited to work with Alden.”

Bukod sa mga pangunahing bida na sina Alden Richards at Bea Alonzo, kasama rin sa Start-Up series sina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …