Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dagul

 Dagul pinoproblema pag-aaral ng 2 anak
(Kita humina sa pagkawala ng TV show)

MA at PA
ni Rommel Placente

DAHIL walang show ngayon sa telebisyon ang komedyanteng si Dagul, naghanap siya ng ibang pagkakakitaan. Nagtatrabaho siya ngayon sa barangay hall ng Montalban, Rizal at siya ang head ng command center ng mga kagawad sa kanilang lugar.

“Maliit ang kita. Hindi naman ganoon kalaki kasi nga sa barangay, ang ibinibigay sa amin honoraria lang,” sabi ni Dagul sa interview sa kanya ni Ogie Diaz para sa vlog nito.

Katuwang din siya ng kanyang misis sa kanilang maliit na sari-sari store. Siya ang nagbabantay kapag abala ang misis niya sa mga gawaing-bahay.

“’Pag wala akong trabaho Sabado, Linggo, rito ako sa bahay. May maliit kaming tindahan.”

Aminado si Dagul na malaki ang pagkakaiba ng kita niya ngayon kompara sa kinikikita niya noong nasa showbiz pa siya. 

Namomroblema siya ngayon dahil hindi na niya matustusan ang edukasyon ng dalawang anak. Maliban dito, may problema rin siya sa kanyang mga paa dahil naka-wheelchair na siya. Hatid-sundo siya ng kanyang isang anak sa barangay hall dahil kailangan siyang buhatin.

“Binubuhat ako ng anak ko para pumasok. 

“Kasi mahina na talaga. ‘Pag tumayo ako, parang nababali siya.

“Siguro overweight o epekto na siguro medyo matanda ka na.”

Ang huling show ni Dagul ay ang Goin’ Bulilit noong 2019 pa. Nang mawala ‘yun sa ere ay hindi na nga siya nagkaroon pa ng show sa TV. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …