Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Imperial Diego Loyzaga

Barbie mapanindigan kaya na never makikipagbalikan sa ex?

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Saturday, March 19, 2022, ipinost ni Barbie Imperial sa kanyang Instagram account ang picture niya habang nagpapakulay ng red sa buhok. Ang caption niya rito,   “b**ch u better be joking [emojis] red hair!!! finally thank you @hairticulturebycarldana [emojis]”

Nag-comment ang ex-boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga sa comment section. Sabi ng aktor, “Poison Ivy?”

Sinagot naman ni Barbie ang comment na ‘yun ng aktor. Sabi niya, “Ako nga pala ‘yung sinayang mo. Hahahaha.”

Sa palitan na ‘yun ng mensahe ng dalawa, may mga netizen na nag-comment na sana ay magkabalikan sila.

Pero malabo nang magkaroon ng part 2 ang relasyon nila. Sabi kasi ni Barbie sa mga interview niya before, after mag-break sila ni Diego, hindi na siya nakikipabalikan sa  exes niya.

Sabi niya, “Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex.

“Dun na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat.

“Na dun gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan.

“Parang you had your shot. I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!”

Noong naghiwalay naman sina Barbie at Diego ay napanatili nila ang pagkakaibigan. Kaya siguro, ganoon na lang sila kung magbiruan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …