Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Thea Tolentino BF

Thea happy sa non-showbiz BF

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALIGAYA  ang lovelife ni Thea Tolentino. Ito ang napag-alaman namin na maglilimang buwan na pala sila ng kanyang  non-showbiz boyfriend.

Ang kapwa niya Kapuso na si Juancho Trivino ang nagpaki;ala kina Thea at sa kasalukuyan niyang kasintahan. College friend ni Juancho ang lalaki.

Taga-Laguna rin ang boyfriend ni Thea, tulad  nina Thea at Juancho, 2014 pa nang makakilala ni Thea ang guy.

Nagsimula sila bilang magkaibigan.

Sa tingin ni Thea ang guy na ang “the one” para sa kanya.

Twenty-five years old si Thea at twenty-eight naman ang boyfriend niya.

Samantala, nag-audition si Thea para sa role niya bilang si Jinky sa pelikulang Take Me To Banaue.

“Binigyan po kami ng isang scene, isa sa mga highlight niyong movie, tapos iyong ‘yung shinoot ko, tapos ipinadala ko, tapos nag-Zoom meeting kami nina direk and ‘yun nga, sinabi na nakuha ako to play the role of Jinky.

“I’m really happy, feeling ko talaga I was chosen for this role kasi I have enough tools, naipakita ko ‘yun sa audition ko, talagang nakatulong sa akin.”

Nagpapasalamat si Thea sa mga workshop niya sa GMA sa ilalim nina Anna Feleo at Anthony Bova.

“Kapag hirap na hirap ako, tatawag ako kay ate Anna, roon ako na-inspire para mas ibigay lahat sa audition ko.”

“Talagang sobrang nakatulong sila sa akin.”

At timing din na katatapos lamang ni Thea ng lock in taping niya para sa upcoming GMA series na Lolong kaya puwede siyang mag-shoot para sa Take Me To Banaue.

Ang Fil-Am movie na Take Me To Banaue ay mula sa Carpe Diem Pictures, isang independent movie production na based sa US.

Tampok din sa Take Me To Banaue sina Maureen Wroblewitz (bilang Grace), ang American actors na sina Brandon Melo (bilang Hank), at Dylan Rogers (bilang Jordan). Kasama rin sina Miss Universe Philippines 2014MJ Lastimosa (bilang Paloma) at ang Kapuso comedian-TV host na si Boobay (bilang Rocky).

Ang director/producer ng pelikula ay si Danny Aguilar, isang Filipino-American na naka-base sa Dallas, Texas sa USA. Ito ang kanyang directorial debut.

Katuwang niyang isinulat ang screenplay ng Take Me To Banaue si Jason Rogers.

Line-produced ni Monch Bravante at ang setting ng kabuuan ng pelikula ay sa Baguio City at sa Banaue, Ifugao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …