RATED R
ni Rommel Gonzales
MAHUSAY umarte, bukod pa sa guwapo, maganda ang katawan at matangkad. Isa si Bruce Roeland sa hanay ng mga young and new Kapuso male youngstars ang ngayon pa lamang ay hinuhulaang susunod sa mga yapak ng mga matinee idol at prime leading men ng GMA na tulad nina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, at Alden Richards.
“Ngayon ko lang po narinig ‘yan, ah. Wow,” bulalas ng Kapuso hunk.
“I mean… parang medyo na-pressure po ako.
“Pero I will do my very best para ma-reach ‘yung expectation ng mga tao and I will do my best to improve more on myself, and my talents.
“Ayun nga po… wow! Thank you po!”
Regular na napapanood si Bruce sa Book 2 ng Prima Donnas at nitong nakaraang Sabado ay sa bagong episode ng Magpakailanman, ang The Illegal Wife with Sheryl Cruz at Gary Estrada.