MA at PA
ni Rommel Placente
HUMINGI ng dispensa si Ogie Diaz kay Carla Abellana. Ito ay matapos na ibalita niya sa kanilang Showbiz Update vlog ni Mama Loi na ibinebenta ni Carla sa halagang P2-M ang kanyang condo unit sa The Grove.
Na ayon sa aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram story ay mali ang pahayag nina Ogie at nilinaw na ang P2-M na halaga na sinasabi ay ang kabuuang bawas o “slashed” amount mula sa orihinal nitong presyo.
“Bina-bash tayo ngayon dahil mali raw… Pina-fact check tayo roon sa condo ni Carla Abellana. Mali raw ‘yung ating impormasyon na P2 million niya lang ibinebenta,” sabi ni Ogie sa vlog din nila ni Mama Loi.
“Pasensya na, nagkamali lang kami. Alam naman namin ng ‘slashed’… Pasensya na, tao lang,” dagdag pa ni Ogie.
At least, si Ogie marunong tumanggap ng pagkakamali ‘di ba?