Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Janine Guttierrez Angelica Panganiban

Marian, Janine masaya sa pagbubuntis ni Angelica

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitanan ng kanyang Instagram account ay in-announce ni Angelica Panganiban na buntis na siya, na siyempre ang ama ay ang foreign boyfriend niya na si Gregg Homan

Dito ay nag-upload siya ng  pictures at videos ng kanyang sonogram, at ang caption niya rito ay, “Ay! Na post!! [pregnant emoji] Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako. [emojis]

 “Opo, may matres ako mga baklaaah! [emojis]

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu [emoji] may pamilya na ko [emoji] kaiyaq pramis [emojis]”

Sa comment section, bumaha ng pagbati mula sa mga kaibigan ni Angelica sa showbiz.

Sabi ni Marian Rivera,””Awww [heart eyes emoji] congratulations.

“Waaaaaahhhh miss angge congratulations! [heart eyes emojis]” sabi naman ni Janine Gutierrez.

Happy din si Maxene Magalona sa couple at ang sabi niya, “I LOVE YOU SIZZZY @iamangelicap [emojis] You deserve all the happiness in the Universe! [emoji] Congratulations to you and @gregg_homan! [emoji]”

Congratulations Angelica!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …