Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Nadine Lustre

Sean crush na crush si Nadine 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

AT mukhang sa mismong set na ng bagong pelikulang ginagawa niya kagyat na humarap sa media si direk Joel Lamangan. Sa digital media  conference para naman sa natapos na niyang Island of Desire para sa Vivamax. Na mag-i-stream na sa April 1, 2022.

Kasama ni Direk Joel sa Zoom ang mga alaga rin ng 3:16 Media Network na sina Christine Bermas at Sean de Guzman, at ang mga anak-anakan naman ni Jojo Veloso na sina Jela Cuenca at Rash Flores.

Lumabas sa mga labi ng mga artista ang mga desirable na personalities para sa kanila na, as defined by direk Joel ay nag-i-stand out dahil sa attitude. At para sa kanya, ang stars niya rito are all desirable.

Crush na crush naman pala ni Sean si Nadine Lustre, ha!

Iba rin ang hugot ng istorya ng IOD. May misteryo ang ikot ng buhay ng mga karakter. 

Sa trailer na napanood namin, may misteryong bumabalot, lihim na nakabaon sa Isla Bato. Mayroon pang kulto. 

Sabi nga ni Direk, iba sa ordinaryo ang istorya ng mga bida. Isang komadrona, mag-asawang sinubukan ang pagsasama, paghahanap. Kaya nga gusto ni Direk Joel na mas marami ang makapanood nito. Sa dalawang mukha ng katotohanan at realidad.

Kung intimate scenes ang hahanapin, mayroong ipakikita sina Sean at Christine. Na tila magkapatid na dahil iisa ang management nila pero ibinigay ang hiningi ni Direk sa kanila.

Lahat nga ay siguradong mag-i-stand out sa mga ginampanan nila na kasama rin ang sexy star na si Sheree at Jim Pebanco (na lider ng kulto).

Huwag nang magtaka kung panay ang gawa ng pelikula ni Direk ngayon. Wala siyang hinahabol.

Ang ikinatutuwa niya ay ‘yung sa pagdating ng pandemya, ilang locked-in shoots sa kasagsagan ni Covid-19 ang nagawa nila para lang mabigyan ng hanapbuhay ang ‘sangkaterbang tauhan ng industriya. At malaki ang pasasalamat na sa bawat pelikulang natapos, walang biniktima ang virus sa kanila.

Kaabang-abang ang bawat pelikula ni Direk Joel. Na bawat isa ay nag-i-stand out. Na kadalasan nga kung hindi man award na ang mapasakamay ay tiyak namang mano-nominate.

Pagdating sa ganyan, mismong artista na ang gagawa niyan para sa sarili niya. At hindi naman ako gagawa ng pelikula o proyekto na roon ako nakatuon. Na pang-award ito dapat. Lalabas na lang ‘yun sa mga gagawin nila. Kung may limitasyon sila at ayaw gawin ang isang bagay, hindi ko sila pipilitin. Sa producer na lang ako magsusumbong!”

So, don’t be fooled! Sa April 1 na ito ilalabas! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …