Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariel Rivera

Ariel mabibigyan ng trophy ni Cristy

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TIYAK may bibigyan na naman ng tropeo ang host na si Cristy Fermin in the person of Ariel Rivera. Matapos na “bigyan” niya si Rey Abellana ng pasasalamat sa pag-amin nito sa one night stand ni Tom Rodriguez na manugang niya.

This time, nagsalita at sumagot si Ariel tungkol sa pag-alis niya sa pantanghaling programang Lunch Out Loud” (LOL) sa Cignal/TV5.

Totoo raw na umalis na siya. Sa kadahilanag ayaw na niyang pahirapan pa o mahirapan pa ang producer ng programa.

“Ayaw ko ng maging pabigat. Mabubuhay naman ang show kahit wala ako. Wala ng pera. May problema sa budget. Ang producer namin, mabait pa naman sobra. Nalulugi na po siya. Kaya ayaw ko ng maging pabigat sa problema. 

“Masakit ang puso ko. Mahal na mahal ko ang mga tao roon. Wala silang ginawa kundi ibigay ang lahat sa show. Bgayon pa nga lang ako makapagpapasalamat. Dahil naging malaking tulong din ito sa akin. ‘Yun ang tunay na dahilan po.”

Ang tinutukoy na producer ni Ariel ay walang iba kundi ang Congressman na si Albie Benitez.

Nauna nang kumalat ang pinabulaanan na rin ng management na balitang titiklop na ang programa na kasama sina Bly Crawford, K Brosas, Jeff Tam, Bayani Agbayani at marami pang iba.

Sa pag-amin ni Ariel kay Cristy sa programa nito, may mga susunod kaya sa kanya na magpaalam sa programa dahil na rin sa pagmamalasakit sa kanilang Big Boss?

For being truthful, kudos to Ariel. Another tropby ka niyan from Cristy! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …