Saturday , November 16 2024
arrest, posas, fingerprints

Sa Pampanga
2 MANGGAGANTSONG KOREANO TIMBOG SA LARGE-SCALE FRAUD

NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang puganteng South Korean national na sangkot sa large-scale fraud sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa lalawigan ng Pampanga.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ang mga nadakip na suspek ng BI fugitive search unit na sina Son Hyungjun, 36 anyos; at Choi Jong Bok, 40 anyos, sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, naaresto si Son sa lungsod ng Angeles.

Nabatid na miyembro ang dayuhan ng isang telecommunications fraud syndicate na nakapanloko sa mga biktima ng halos 22 milyong Korean won o halos US$18,000.

May inilabas na arrest warrant ang Busan district court sa South Korea laban kay Son, at sa kanyang mga kasabwat.

Samantala, nasukol sa bayan ng Porac dahil sa panloloko sa kababayan ng mahigit P7 milyon sa isang fraudulent stock investment scheme ang isa pang Koreano.

Naglabas ang Nambu district court sa Seoul ng arrest warrant laban kay Choi.

Kinansela na rin ang mga pasaporte ng dalawang Koreano kaya ikinokonsidera sila bilang undocumented aliens.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang dayuhan sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, lungsod ng Taguig habang hinihintay ang deportation proceedings. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …