NAGWAKAS ang matagal na pagtatago sa batas ng isang lalaking may nakabinbing kaso sa hukuman ngunit imbes harapin ay tinakasan hanggang maaresto sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 16 Marso.
Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Allan Palomo, acting chief of police ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang suspek na si Reynier Aquino, akorner ng mga awtoridad sa kaniyang pinagtataguan sa bisinidad ng Brgy. Fatima III, sa nabanggit na lungsod, batay sa mga impormasyong nakalap mula sa concerned citizens.
Kabilang si Aquino sa itinuturing na most wanted person sa city level ng San Jose Del Monte (First Quarter 2022) at may nakabinbing kasong Robbery.
Nabatid, matapos sampahan ng kaso ay nagpakatago-tago ang suspek sa batas hanggang isyuhan ng warrant of arrest ng hukuman na nagresulta sa kanyang pagkaaresto. (MICKA BAUTISTA)