Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rey PJ binawi ang nasabing pakikipag-one night stand ni Tom

MA at PA
ni Rommel Placente

NABANGGIT ni Rey ‘PJ’ Abellana sa interview sa kanya kamakailan ni Cristy Fermin, sa radio show nitong Cristy Fer Minute, na isa sa dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang anak niyang si Carla Abellana kay Tom Rodriguez ay dahil nabisto umano ito ng aktres na nakipag-one night stand sa isang babae. Pero hindi niya binanggit ang name.

Sa panayam ng 24 Oras kay PJ, nilinaw niya ang mga una niyang nasabi tungkol sa ilang rason ng marital problem nina Carla at Tom kabilang na riyan ang tungkol sa one-night stand.

“At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom.

“Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari ‘yun. So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman,” sabi ni PJ.

Paglilinaw pa ni PJ, hindi lang niya ito naipaliwanag nang mabuti kay Tita  Cristy.

“So, ‘yun po ‘yung scenario ng issue na one-night stand. Napa-shortcut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy na, you know, na napag-isipan ng masama,” paliwanag pa ni Tom.

Samantala, inamin naman ng aktor na tinawagan siya ng anak nang magpa-interview siya kay Tita Cristy. At nagalit daw sa kanya si Carla.

“She was mad, she was questioning me why I came up that way. Of course, I explained it to her right away, and after my explanation, explaining my side, hindi na naman siya nag-message na uli,” aniya pa.

At least, okey na ang mag-ama, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …