Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras Nicole Donesa Mark Fernando

Mark nagseryoso nang magka-anak at asawa

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA sa mga tinatalakay sa GMA series na Artikulo 247 ay ang tungkol sa pamilya.

At dahil isa siyang ama, tinanong namin si Mark Herras kung paano binago ng fatherhood ang kanyang buhay.

“I think, unang-una siguro ‘yung towards work. Kasi talagang iba ‘yung naging mindset, feeling ko parehas kami ni Mike (Tan), iba ‘yung naging mindset pagdating sa trabaho,” umpisang sagot ni Mark.

“Siguro masasabi kong mas nagseryoso kami, legit na mas nagseryoso kami this time.

“Kasi siyempre iba ‘yung inspiration namin ngayon, iba ‘yung dating kasi niyong mga bata, iba ‘yung ibinibigay sa aming saya, parang gusto naming magtrabaho for them not just to provide but basically para maging magandang ehemplo someday for them.

“Ang laki ng ibinago sa buhay kasi kung before magtatrabaho kami then after that relaks, pahinga, chill ngayon talaga after work gustong-gusto naming umuwi ni Mike hindi para mag-relax, kundi para bumalik doon sa normal naming ginagawa which is alagaan ‘yung mga anak namin, ‘di ba?

“So it’s really, really different, parang part of my life na ngayon kasi talagang masaya, masaya ‘yung pakiramdam. And I’m really happy na nagagamit ko siya sa trabaho.”

May isang anak sina Mark at misis niyang si Nicole Donesa, si Mark Fernando, na ipinanganak noong January 31 2021.

Ang Artikulo 247 ay idinirehe ni Jorron Lee Monroy at napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Little Princess. ukod kay Mark, nasa cast din sina Kris Bernal, Rhian Ramos, Mike Tan, Benjamin Alves, Victor Silayan, Glydel Mercado, Maureen Larrazabal at marami pang iba. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …