Sunday , December 22 2024
Rodrigo Duterte Soledad Duterte Sara Duterte Bongbong Marcos Ferdinand Marcos

Palasyo tikom ang bibig
PAGIGING ANTI-MARCOS NG NANAY NI DIGONG, SALIK SA PAGPILI NG PRESIDENTIAL BET

TIKOM ang bibig ng Malacañang sa isyu ng pagkonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagiging anti-Marcos activist ng kanyang ina sa pagpili ng presidential bet sa 2022 elections.

Hindi sinagot ni acting Presidential Spokesman Martin Andanar ang pag-usisa ng media kung ang naging paninindigan ng ina ng Pangulo na si Soledad “Nanay Soling” Duterte laban sa diktadurang Marcos ay magiging salik sa pag-endoso ng presidential bet ng Punong Ehekutibo.

Katambal ng anak ng Pangulong si vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte ang anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa halalan sa Mayo.

Noong Nobyembre 2022, tinawag ni Pangulong Duterte na weak leader si Marcos, Jr.

Nauna rito’y inatake niya ang presidential candidate na cocaine user na mula raw sa mayamang pamilya, mahinang klaseng leader at kinuwestiyon ang ambag sa bansa.

Matatandaan sa kanyang talumpati noong Nobyembre 2016 sa paglulunsad ng “Pilipinong May Puso Foundation, Inc.” bilang paggunita kay Nanay Soling ay inamin ni Pangulong Duterte na minana niya sa kanyang ina ang makakaliwang paniniwalang politikal bunsod ng pagiging tagasuporta sa kilusang komunista ng kanyang nanay.

“When I became mayor at the crossroads of the revolution of EDSA at itong mga NPA, and ang relasyon ko sa NPA was really very good because of my mother. She used to go to the mountains kilala niya lahat. And sometimes bumababa lalo na ‘yung mga madre na kung saan saan nanggaling, wala namang dormitoryo, mga NPA rin pala, they would go to the house for the night,” kuwento ng Pangulo.

Si Nanay Soling, isang dating guro ang namuno sa Yellow Friday Movement, isang kilusang kontra-Marcos sa Mindanao bago naganap ang People Power 1 Revolution.

Naging aktibo rin siya sa Soledad Duterte Foundation na nagturo ng livelihood at skills training sa indigenous people sa Marahan, Davao City.

Pumanaw si Nanay Soling sa edad 95 anyos noong 4 Pebrero 2012.

“So ‘yung pamilya namin saka ‘yung dimension ko medyo left leaning ako in matters of the social dimensions of life. How you deal with the rich and the poor. How you would strive to at least not really equalize, make the other side more comfortable than the other kasi nandiyan na sa kanila ang lahat,” anang Pangulo.

Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi naman siya komunista, maaaring sosyalista pa dahil nasa ideological borders siya ng kanyang ina at amang dating sundalo, military mayor, at gobernador.

“Doon ako, kaya ako, I was crossing the ideological borders. Something which was used against me during the first election in 1988 na ako, komunista. I am not communist. Maybe I am a socialist. My father was a military man, he became a military mayor, became a governor,” aniya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …