Tuesday , May 6 2025
Vivian Velez Isang Pilipinas Movement

Daddy Wowie bilib sa pagsisikap ni Yorme

MA at PA
ni Rommel Placente

HUMARAP sa media sina Vivian Velez at ang producer na si Ms. Edith Fider para ipaalam na sumusuporta sila sa bagong tatag na coalition, ang Isang Pilipinas Movement para sa tambalang Manila Mayor Isko Moreno, na tumatakbong presidente at Davao Mayor Sara Duterte, na tumatakbo namang bise presidente.

Naniniwala sina Vivian at  Miss Edith na sina Yorme at Sara ang aahon sa hirap na dinaranas ng bansa at magbibigay ng magandang pagbabago at kinabukasan sa Pilipinas.

Present din ang manager ni Yorme na si Daddy Wowie Roxas. Nagbalik-tanaw siya kung paano niyang nakilala/na-discover si Yorme. Na aniya, nakita niya ito sa isang burol dati, na libagin pa dahil mula lang ito sa mahirap na pamilya at isang scavenger.

Natutuwa si Daddy Wowie dahil sa pagsisikap ni Yorme, bukod sa pagiging artista ay naging isang politician. At ngayon ay malakas ang laban sa mga tumatakbong presidente ng bansa.  

About Rommel Placente

Check Also

Kiray Celis Mother P1-M Van

Kiray brand new van iniregalo sa ina (pagkaraang magbigay ng P1-M)

MATABILni John Fontanilla NAPALUHA ang ina ng actress/ businesswoman na si  Kiray Celis sa sorpresang ibinigay nito …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …