Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes Ricci Rivero

Andrea at Ricci spotted sa isang restoran 

MA at PA
ni Rommel Placente

KUMALAT sa TikTok ang picture na magkasama sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero  sa isang restoran sa One Bonifacion Hight Street sa BGC, Taguig City.

Isang waiter ang nagpakuha ng litrato kasama si Ricci  at mayroon din itong larawan kasama si Andrea.

Iniisip tuloy ng netizens na baka raw may namumuo nang relasyon sa dalawa.

Lalo pang napaisip ang mga ito dahil sa isang video na nakitang suot ng dalaga ang isang puting jersey ng U.P. Fighting Maroons.

Sinasabing kuha ang video sa lock-in taping ng Lyric & Beat, ang upcoming iWant series na pinagtatambalan nina Andrea at Seth Fedelin.

Si Ricci ay player ng Fighting Maroons ng University of the Philippines at 25 ang jersey number niya roon.

Bunsod nito ay hindi maiwasang mapatanong ang ibang netizens kung jersey ba ni Ricci ang suot ni Andrea?

At kung jersey nga ‘yun ni Ricci, hindi kaya may something na talagang namamagitan sa kanila ni Anrdrea?

Naku, tiyak magwawala ang mga tagahanga nina Andrea at Zeth kapag nakita nila ang picture nina Andrea at Ricci.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …