Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
police PNP Pandi Bulacan

Umawat na pulis pinag-initan
4 BASAGULERO ARESTADO, KALABOSO SA PANDI, BULACAN

ARESTADO ang apat na indibidwal matapos makipagtalo at pisikal na saktan ang mga pulis na nagtangkaNG umawat sa kanilang kaguluhan sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 13 Marso.

Nabatid na nagresponde ang mga tauhan ng Pandi MPS sa ulat ng insidente ng alarm and scandal na nagaganap sa Brgy. Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Tinangka ng mga nagrespondeng alagad ng batas na payapain ang gulo ngunit imbes magpaawat ang mga suspek ay sila pa ang napagbalingan na humantong sa pagtatalo hanggang pisikal silang inatake at sinaktan.

Dito umaksiyon ang mga pulis at pinagdadampot ang mga suspek na kinilalang sina Bruce Tolosa, isang retiradong pulis; Rhoann Gacuan, Roland Capistrano, welder at reservist ng Philippine Air Force; at Inok Gotis, isang negosyante.

Nakakulong sa Pandi MPS Jail ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng nararapat na kasong kriminal sa korte. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …