Sunday , December 22 2024

Komunista sa kampanya, ok lang – ex-defense chief

WALANG nakikitang masama si dating senador at dating Defense Secretary Orlando Mercado kung sumali man sa kampanya sa halalan ang mga komunista.

Ayon kay Mercado, hindi aniya labag sa batas kung ang tinatalakay ng komunista ay ang pinaniniwalaan niyang ideolohiya dahil ang ipinagbabawal lamang ay ang paghawak ng armas na may layuning pabagsakin ang isang gobyerno.

“Kahit komunista ka, basta ‘yun ay sinasabi mo lang, ideology mo to convince others by talking or discussing, there’s no problem, it’s when you take up arms against the gov’t that it becomes bad,” ani Mercado sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa OnePH kagabi.

Ang pahayag ni Mercado ay kasunod ng ginawang red-tagging o pagbansag na komunista nina Cavite Rep. Boying Remulla at presidential bet Panfilo Lacson sa ilang dumalo sa Cavite grand rally ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo.

Mariing itinanggi ni Robredo ang mga akusasyon laban sa kanya.

Maging si Pangulong Duterte ay kinakabog umano sa natanggap niyang intelligence report na may plano umanong manggulo sa eleksiyon ang mga komunista sa tulong ng mga ‘dilawan.’

Para kay Mercado, kung propaganda lang ang layunin ay mabuting sumama sa eleksiyon ang mga komunista at kung magwagi ay hayaan silang makipag-debate tungkol sa ipinaglalaban nilang ideolohiya.

“Kung propaganda lang, aba’y actually napakaigi na sumasama sila sa eleksiyon. Kung mahahalal sila, let them debate, we do not criminalize thinking,” sabi ni Mercado.

“Action that will be against the law by way of insurrection or sedition are the one’s that are punishable kaya let’s not punish people for what they think. Let them go. Let us allow the election to be a marketplace of ideas,” dagdag niya.

Makabubuti aniyang pagsabungin ang mga ideya sa paglahok sa mga debate at pulong-bayan para makilala ng publiko at makita kung anong kaisipan ang mas maigi para sa bayan.

“Iba’t ibang klaseng ideya, pagsabungin na ‘yung mga ideyang ‘yan, magsalita, magdebate, mag-town hall meeting para makilala natin at makita natin ‘yung ideya na mas maigi para sa atin. You cannot just say “giginhawa kayong lahat pag ako inihalal n’yo. Lahat ng kahirapan n’yo mawawala,” narinig na natin ‘yan e, Hindi naman makatotohanan ‘yan e. You cannot be specific unless you speak out and answer questions. Hindi pag tinanong mo, ang feeling niya kaaway, hindi. To disagree is not to be disloyal or disrespectful,” paliwanag ng dating defense chief. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …