Friday , November 15 2024
fake news

Kahit kasinungalingan puwede,
SA SOCIAL MEDIA, LAHAT AY PUBLISHER — MERCADO

GINAGAMIT na lunsaran ng kasinungalingan ang social media dahil lahat ay nagiging publisher.

Aminado si dating senador at dating Defense Secretary Orlando Mercado na ang napakabigat na labanan ngayon sa impormasyon ay nagaganap sa social media dahil kahit sino puwedeng magpaskil kahit hindi totoo at natatagalan pa bago ito natatanggal.

“Ang labanan ngayon hindi lang sa traditional media kundi napakabigat ng labanan sa social media. at ‘yan ay napakahirap na in the sense, everybody is a publisher now e. Kahit sino can set up something even if it’s false, you can put it out and it will take time before it’s taken out,” ani Mercado sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa OnePH kagabi.

Dumarami rin aniya ang micro celebrities na iba-iba ang sinasabi na bagama’t marami ang nakakatulong sa pagpapaliwanag sa isyu, may mga kalahati lang ang naghahayag ng katotohanan at inililihis ang usapin,

“Napakaraming rise ng micro celebrities. Iba iba ang sinasabi. Marami talagang nakakatulong sa pagpapaliwanag ng isyu pero meron din ‘pag ni-research mo pa, makikita mo na you’re being told half truths and being directed somewhere else,” aniya.

“Remember na ang propaganda are lies riding in a small piece of truth, ‘yun ang nagiging labanan,” dagdag niya.

Kompara aniya sa social media, ang kabutihan sa traditional media, tukoy ang source, may sinusunod na pamantayan at kapag nagkamali ay obligadong aminin at iwasto.

“Ang maigi sa traditional media, identified ang source merong standards and when we make mistakes, we are obliged to correct it and accept that we have made that mistakes. Kaya to avoid that, we have to check and recheck,” paliwanag ni Mercado. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …