Saturday , November 16 2024
Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag sundin payo ni Imee kay Bongbong na humarap sa debate

SIPAT
ni Mat Vicencio

MALAMANG na mapahamak pa si dating Senador Bongbong Marcos kung susundin ang advice ng kanyang nakatatandang kapatid na si Senator Imee Marcos na kailangan humarap ang isang kandidatong presidente sa mga nakatakdang debate.

Sabi ni Imee kay Bongbong, “Answer all criticisms. After all, we have faced all our cases. We answer all criticisms. He can easily do that.”

Ano ba naman itong si Imee? Kung ano-anong ipinapayo sa kapatid. Tiyak kasing makakanal si Bongbong kung susundin niya ang payo ni Imee. Siguradong puputaktihin si Bongbong ng mga ka-debateng kandidato sa sandaling sumalang sa pinakahihintay na Comelec debate.

Asahan ding higit na magiging malakas at epektibo ang mangyayaring upak at kritisismo laban kay Bongbong kung haharap siya sa debate, kung ikukumpara sa inaasahang mga banat kapag hindi dumalo sa nasabing debate.

Kung tutuusin, nasanay na ang marami sa hindi pagdalo ni Bongbong sa mga debate, at mukhang manhid na rin naman siya at ang kanyang grupo sa mga upak sa kanila dahil sa hindi pagsipot sa mga ganitong forum. Tiyak na magdudulot lamang ng karagdagang negatibong epekto sa kanyang kandidatura kung sisiputin pa ni Bongbong ang nakatakdang Comelec debate.

Hindi na rin dapat mag-alala si Bongbong sa mga banat kung hindi man niya patulan ang Comelec debate dahil kung ang pagbabasehan naman ay ang mga nagdaang presidential survey, nangunguna at ang layo ng kanyang agwat kompara sa kanyang mga kalaban.

Malinaw na walang epekto ang walang tigil na opensiba ng mga kalaban ni Bongbong. Sa halip na magalit at maniwala, umaani pa ng awa at suporta ang dating senador dahil sa sunod-sunod na upak sa kanya ng kanyang mga katunggali.

Matagal na nating sinasabing ang “FPJ formula” ang pinanghahawakan ni Bongbong ngayon. At ang paulit-ulit na pagsasabi na siya ay duwag, bobo, adik, sinungaling, impostor, magnanakaw at hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay hindi tumatalab sa mga botante at bagkus ay umaani pa ng suporta.

Kaya nga, nagtataka naman ako kung bakit pilit na pinadadalo ni Imee ang kanyang kapatid sa mga debate. Lumalabas tuloy na parang isinusubo niya sa kapahamakan si Bongbong at tila itinutulak sa dagat-dagatang apoy. Ano ‘yan, inggit?

Kung tutuusin, halos dalawang buwan na lamang ang nalalabi bago mag-eleksiyon at dapat maging maingat si Imee sa kanyang mga binibitiwang mga payo at isipin kung makabubuti o makasasama sa kandidatura ng kanyang kapatid.

At sana ay tigilan na rin ni Imee ang pakikipag-away sa social media dahil hindi ito epektib at hindi nakatutulong kay Bongbong.

Delikado itong si Imee. Kaya nga sa pangalawang pagkakataon… Liza, please naman busalan mo na ang bunganga ni Imee!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …