Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo

Bea sinagot mean comment ng netizens sa pag-alis sa Dos

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest You Tube vlog ni Bea Alonzo, binasa at sinagot niya ang mga mean comment ng netizens tungkol sa paglipat niya sa GMA-7.

Sabi ng isang netizen kay Bea: “Ayoko na sa iyo. Iniwan mo kasi ang Star Magic after 19 years na inalagaan ka.

“Nadapa lang ang nag-alaga sa ‘yo, iiwanan mo na lang. Hindi ba pwede na aakayin mo para makabangon?”

Ang tinutukoy ng netizen na nadapa ay ang pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya Network.

Mahinahong sagot ni Bea, “Siyempre, madali sa atin ang mag-comment, ‘di ba, kapag hindi natin alam ‘yung nangyayari. I acknowledge your comment. You are entitled to your own opinion, but that doesn’t make it true.

“Marami pong nangyari at maraming dahilan, at lahat kami ay okay. So, sana okay ka rin.”

Sa isa pang mean comment, ang sabi kay Bea, “There goes a new has been actress. After pasikatin ng Star Magic at ABS-CBN tapos iiwan na lang ng ganoon.”

Seryosong tugon naman ni Bea: “Hindi siya madaling desisyon.

Super tagal kong pinag-isipan and I have my own reasons for it.

“And I wish maisa-isa ko sa iyo, pero hindi ko na kailangan gawin iyon because I don’t have to.

“I don’t have to explain myself because I think I’ve done that.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …