Sunday , December 22 2024

Puwersa sa sea territory, palalakasin ni Robredo para sa seguridad ng bansa

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

IYAN ang dapat! Bakit? Nasaksihan naman natin kung paanong pagtangkaang sakupin ng bansang Tsina ang mga teritoryo natin sa karagatan.

In fairness naman sa kasalukuyang gobyerno, inaksiyonan o inaaksiyonan naman nila ang mga pangha-harass pero, tila tinatawanan lang ito ng ‘mananakop.’

Pinagtatawanan at binabalewala dahil paulit-ulit pa rin nilang ginagawa ang tangkang ‘pananakop’ at pangha-harass sa kabila na may mga nagbabantay sa karagatan.

Katunayan, tinatarantado pa nila ang mga kababayan nating mangingisda. Nangyayari ang lahat o madaling makapasok sa teritoryo natin dahil bukod sa mahina ang puwersa ng pagbabantay sa karagatan, ang Palasyo mismo ay masyadong ‘pusong mamon’ sa mga ginagawa ng mga sundalong pangkaragatan ng Tsina.

Kung susuriin ang mga pangyayari lalo ang pang-aapi sa mga mangingisda ang isa sa umantig kay Robredo para palakasin ang puwersa natin sa karagatan hndi lang para sa mga mangingisda natin kung hindi para sa seguriad ng bansa.

Once elected ‘ika ni Robredo… “I will turn the Philippines into a ‘maritime power’ to ensure the security of the country’s seas and assert sovereignty over the territories.

“There will be a shift from a land-centric Armed Forces of the Philippines into a maritime power or at least a modicum of a maritime nation,” pahayag ni Rear Admiral Rommel Ong, dating vice commander ng Philippine Navy.

Aba’y napapaligiran o dumarami na rin pala ang magagaling na security expert na nagtitiwala sa kakayahan ni Robrero na mamuno — mga dating heneral o opisyal sa AFP at PNP at Rear Admiral ng PN na tutulong sa kanya para sa seguridad ng bansa.  

“The ‘shift’ from a ‘land-centric’ into a ‘maritime-oriented’ AFP is one of the major reforms that the next commander-in-chief will focus on,” ayon kay Ong. Siya ay kabilang sa security team ni Robredo.

“Gusto niyang ang Filipinas ay maging maritime power,” ani Ong sa isang online forum ng grupong 1Sambayan.

“Kaakibat po dito ay ang pagbabago ng pananaw o pag-iisip kung paano natin huhubugin ang sandatahang lakas,” dagdag ng dating lider ng PN.

Puwersa sa karagatan ang isa sa prayoridad ni Robredo dahil kapuna-puna na masyadong nakapokus ang Armed Forces sa pagbabantay sa kalupaan ng bansa kung saan lumalabas na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang teritoryo natin sa karagatan, pahayag ni Ong.

“Ang epekto po niyan ay ang appreciation natin sa West Philippine Sea bilang isang security problem … medyo kulang,” ani Ong.

“Right now po masyadong land-centric o naka-focus sa lupa. Ito po ay disconnected sa situation natin na tayo po ay isang archipelago, isang bansa na maraming isla at malawak ang dagat na kailangang protektahan,” dagdag ni Ong.

Isa rin sa prayoridad ni Robredo at ng kanyang security team ang advancement para sa “support industries” at  “support knowledge”  para sa merchant marine fleet ng bansa.

Noong 2019,  inamin ng Defense department na kulang ang puwersa ng bansa para harapin ang mga ‘kalaban’ nagtatangkang manggulo o manakop sa mga teritoryo natin sa karagatan.

“While the modernization of the Armed Forces will continue, the country will have to engage in arms race,” pahayag ni dating Philippine Navy officer at dating Senador Anotonio Trillanes.

Pero ani Trillanes, ang pagkakaroon ng mga bagong kagamitan at armas ay depende sa pondo ng bansa at kung kaya natin ang presyo nito.

“That’s why we need a commander-in-chief who understands the economy,” ani Trillanes kasabay ng pagsasabing handang pamunuan ni Robredo.

Tama si Madame VP Leni, kinakailangan talagang palakasin ang puwersa natin sa mga teritoryo natin sa karagatan — maritime power is what we need. Palakasin ang puwersa ng coast guard o ang Philippine Navy natin… at mangyayari lang iyan sa todo-todong suporta ng Palasyo. At kung suporta lang naman ang pag-uusapan, makatitiyak ang mga sundalo natin sa karagatan na ibibigay ito ni Robredo.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …