Friday , November 15 2024
P1-B shabu chinese valenzuela

Sa Valenzuela
P1.088-B SHABU NASABAT, CHINESE CITIZEN, PINAY, ARESTADO

MAHIGIT sa isang bilyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang Chinese national matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng hapon.

Kinilala ni PDEA Director General, Undersecretary Wilkins Villanueva ang naarestong mga suspek na sina Tianzhul Yu ng Fujian China, at Meliza Villanueva ng Concepcion, Tarlac.

Ayon kay Dir. Gen. Villanueva, dakong 3:30 pm nang isagawa ng pinagsamang mga tauhan ng PDEA Intelligence Service (PDEA-IS), PDEA Regional Office – National Capital Region (PDEA RO-NCR), PDEA Regional Office-3 (PDEA RO-3) PDEA Special Enforcement (SES), Armed Forces Of the Philippines, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Bureau of Customs (BoC), PNP PDEG IFLD, PNP RO3, Valenzuela Police Station, at Valenzuela ALERT Center ang buy bust operation sa J.P. Rizal St., Arty Subdivision, Brgy., Karutahan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakompiska ng mga operatiba ng PDEA sa mga suspek ang tinatayang nasa 160 kilograms ng hinihinalang shabu, nasa P1.088 bilyon ang halaga, buy bust money at tatlong mobile phones.

Ani Villanueva, ang lugar na iyon ang posibleng source ng mga nahuhuli nila nitong mga nakaraang araw sa Cavite, Bulacan, Cebu, at Escalante City, Negros Occidental.

Bahagi umano ito ng transnational drug syndicate na tinatawag na ‘The Company’ ani Villanueva.

“‘The Company’ is operating in South East Asia and ang source nito ay galing sa golden triangle,” dagdag niya.

Sa kabuuan, umaabot sa 231.2 kilograms ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1.57 bilyong halaga, ang nasamsam sa naturang anti-drug operation.

Sasampahan ang mga naarestong suspek ng kasong paglabag sa Sec. 5 &11 of Art. II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Mayor Rex Gatchalian ang PDEA sa kanilang matagumpay na buy bust operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng Chinese national na nagdala ng ilegal na droga sa lungsod.

“The city government of Valenzuela has assured that its drive against prohibited drugs will continue, and maintain its close coordination with the Valenzuela police and authorities” ani Mayor Rex. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …