Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Camille Maxine Vice Ganda

Pamangkin ni Vice Ganda binutata ang netizen na nagsabing umaasa lang sa tiyuhin

MA at PA
ni Rommel Placente

SINAGOT ng pamangkin ni Vice Ganda na si Camille Maxine Viceral sa pamamagitan ng isang TikTok video ang komentong umaasa lang siya sa kanyang Tito Vice para magkaroon ng pera. Na ang sikat na komedyante lang umano, ang kanyang source of income.

Sa 25-second video, ginamit na background ni Camille ang screenshot ng comments ng netizen na nais niyang bigyang linaw. Na para sa kanya ay nakababastos ito.

Tanong ng netizen, “Ano po source of income mo ate”

Sagot ng isa, “tito nya?”

At ang sagot dito ni Camille, “Nakakabastos po. Lumaki po kami sa hirap at alam namin na ang pag-unlad ng isa ay hindi pag-unlad ng lahat.”

Bagamat tito niya si Vice at alam niyang marami itong pera, nilinaw ni Camille na hindi sila pabigat sa Unkaboggable Star.

Katwiran niya: “Dahil kung ‘yun ho ang iisipin namin, hihilahin po namin ‘yung tao pababa.

“May kanya-kanya po kaming pag-iisip, personalidad, pinagkakakitaan, at  responsibilidad sa loob at labas ng bahay.”

Hindi naman itinanggi ni Camille na may tulong silang natatanggap sa kanyang Tito Vice, pero hindi raw sila nagmamalabis.

Kung ano po ‘yung ibinibigay sa amin, ‘yun lang po ‘yung aangkinin namin.

“Hindi na rin po kami maghahangad nang sobra-sobra pa roon. 

 “Ayun lang. Huwag po tayong nag-a-assume at huwag po tayong bastos.”

Halatang napikon si Camille sa paratang na umaasa lang sila kay Vice, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …