Saturday , November 16 2024

Pakipagsabwatan ni VP Leni sa komunista, fake news – Ret. AFP/PNP Generals

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

FAKE NEWS! Ang alin? Ang ibinabato laban kay presidential aspirant (Vice President) Leni Robredo.

Ibinabato kay Robredo ng kanyang mga katunggali, na siya ay nakikipag-ugnayan o nakikipagsabwatan daw sa kalaban ng gobyerno – ang komunista/terorista si Robredo. Ano!? Bise o isang lider ng bansa makikipagsabwatan?

Hindi kaya dahil eleksiyon na kaya kung ano-anong fake news ang lumalabas? At hindi kaya dahil sa patuloy na lumolobo ang suporta kay VP sa pagkapangulo ng bansa kaya binabato ang ale ng kung ano-ano. What a desperate move ha!

Kamakailan lang, nagpahayag ng buong pagsuporta kay Robredo ang ilang retiradong heneral mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Heto nga, kinondena ng mga heneral ang pilit na pag-uugnay kay Robredo sa grupo ng komunista o terorista. Kung baga, ang punto ng mga heneral ay walang katotohanan ang akusasyon kay Robredo. Yes, fake news ang ibig nilang sabihin.

Fake news, sa termino ng mga mamamahayag ay ‘koryente.’

“Judging by reports, I wouldn’t be surprised if there is already a battalion of former military and police colonels and generals that has gone proudly pink,” pahayag ni dating Senator Antonio Trillanes.

Oo, hindi kayo nagkakamali sa inyong nabalitaan – heto hindi fake news ha. Nakipagpulong kamakailan si Robredo sa ilang dating heneral ng AFP at PNP kung saan nga ay nagpahayag sila ng buong suporta kay Robredo.

Nakipagkita si Robredo sa mga heneral, ilang araw ang nakalipas matapos kondenahin ng libo-libong suporter ni Robredo ang isang politician na pilit ‘pinturahan’ ng kulay pula ang malabaybaying kulay pink na supporter ni Robredo na sumipot sa rally ng Bise kamakailan.

“Former AFP and PNP chiefs, all anti-insurgency veterans, have come out for Leni, and their support belies the fake news peddled by conspiracy theorists,” pahayag ni Trillanes, tumatakbo sa pagka-senator sa ilalim ng grupo ni Robredo.

“Kung naniniwala sila sa black propaganda laban kay Leni, hindi sila pipirma ng manifesto, hindi sila mangangampanya para kay Leni,” dagdag ng dating Senator.

Sa isang media briefing nitong Lunes, kinomprima nina retired Police Maj. Gen. Generoso Cerbo, Jr., at retired Armed Forces Maj. Gen. Domingo Tutaan na maraming bilang ng mga retiradong AFP at PNP chiefs of staff at senior officers ang nagpahayag ng suporta kay Robredo.

“We support Robredo because of her “moral strength” and “integrity, and that the vice president has “the program of action… that would address the various things regarding national defense and security,” pahayag ng dalawang heneral.

Ayon kay Gen. Cerbo, ang kasabihan ni Robredo “Sa gobyernong matapat, angat buhay ang lahat” ay hindi lang isang slogan kung hindi, talagang nadarama ng publiko sa araw-araw nilang pamumuhay.

‘Ika nga ni Trillanes, kung may kaunti pang pagdududa ang mga kritiko ni Robredo sa kakahayan nitong mamuno bilang presidente ng bansa, hindi ipupusta ng mga heneral ang kanilang pinaghirapang reputasyon.

“The retired generals will not put their hard-won reputation on the line by saying that the vice president is ready to step up as commander-in-chief,” pahayag ni Trillanes.

Bago ang pakipagpulong ni Robredo nitong 7 Marso kina Cerbo at Tutaan, nauna nang nagpahayag ng kanilang suporta kay Robredo sina retired military chiefs of staff — Emmanuel Bautista, Jessie Dellosa, Hernando Iriberri, at Eduardo Oban, Jr.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …