Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz GMA

John Lloyd ‘di raw siya Kapuso — May show lang ako sa kanila 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAKA-ISANG taon na ang itinatag na Crown Artist Management ng magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

At sa pagdiriwang ng kanilang unang taon, muling ipinakilala ng management ang mga bago pa nilang alaga sa kompanya na ginagabayan ng Mommy ni Rambo na si Marilen Nuñez at Mikki Gonzales (na galing sa ABS-CBN).

Sa tsikahan with the press na kasama nang lumaki ni Rambo at ng kanyang pamilya, nausisa ang binata sa kung paano ba nilang pinili o kinuha ang mga alaga sa kuwadra nila ngayon.

More than anything, ang core ng growing roster of talents nila ay the relationships formed. Wala namang audi-audition pa. Nakikita sa ginagawa nila, bilang influencer, vlogger, director, photographer, designer at iba pa.

Gaya na lang ni John  Lloyd Cruz. Kapwa artista ni Maja. Naidaan lang ang lahat sa usapan. Bukasan ng mga isip. Puso na rin.

Open communications ang pinahahalagahan ni Maja, pati ni Rambo sa pagharap sa sari-sari nilang mga alaga.

Tinanong si JLC kung maitutring ang sariling Kapuso na ngayong ang programang kasama siya na Happy To Get Her ay nasa nasabing estasyon.

Papalakpakan ko si Maja as a manager dahil sa sagot ng aktor. Hindi man direkta eh, tila sinabi nitong hindi siya mamamarkahan na Kapuso.

“I am a Crown Artist Management talent now. May show ako sa GMA-7. I will have projects with them. So, I am independent of any network. Our show is being handled by Direk Bobot (Mortiz). So, it’s between me and direk Bobot. Technically, I am not their contract actor. May show lang ako sa kanila.”

With Bea Alonzo to be paired with Alden Richards soon, looking forward din ang mga follower ni JLC na sana magkaroon din sila ng proyekto ni Bea sa Kapuso. Kahit hindi siya Kapuso!

Bukod kina Maja, Rambo, John Lloyd na artists ng CAM, part of the roster na rin sina Jasmine Curtis-Smith, Miles Ocampo,  DJ Loonyo, Christine Samson, Lauren Reid, Andrei Suleik, Parry Ang, Gino Santos, Yanee Alvarez, Jessie Salvador, at Guel Espina.

Happy Anniversary #CrownArtistManagement. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …