TATAPUSIN muna ang imbestigasyon kaugnay sa insidente ng pagsadsad ng eroplano ng Cebu Pacific sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), paglillinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)
Kasunod ito ng maaaring ipataw na sanctions sa nasabing airlines kung mapatunayan na nagpabaya ang piloto o may problema ang makina ng kanilang eroplano.
Ayon Kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, maraming posibleng dahilan kung bakit nga nangyari ang aberya sa naturang eroplano sa runway 06/24.
Dahil sa insidente libo-libong pasahero ang naapektohan sa pansamantalang pagkaantala ng mga flight sa NAIA matapos bumara sa runway 06/24 ang eroplano ng Cebu Pacific.
Pasado 1:00 pm nang muling buksan ang runway para sa outbound at inbound flight sa NAIA habang ang iba ay na-divert sa Clark International Airport.
Una nang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Cebu Pacific sa nangyaring insidente at sa abalang idinulot nito. (GLORIA GALUNO)