Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BalitaONEnan BuKo Channel

BalitaONEnan ng BuKo Channel sasabay sa ikot ng socmed

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BUKO ang 24 oras na pay TV Channel sa Cignal TV. Pinaikli siyang Bukay Komedya na pag-aari ng MediaQuest Holdings, Inc. sa pakikipagtulungan sa APT Entertainment.

Naka-isang season na ang Maine Goals ni Maine Mendoza kasama sina Chammy at Chichirita sa kanilang travel and lifestyle show. Na marami raw pagbabagong ipakikita sa Season 2 this month of March.

Aliw nga si Maine sa kanilang show dahil hindi niya akalain na marami siyang mga bagay at hamon na inakala noon na hindi magagawa pero ngayon  ay hindi na naging imposible sa kanya.

Sa simula nagkakahiyaan sila ng mga kasama niya sa programa but as the days went on, naging very open na sila even with their imperfections and flaws  na kaagad nilang naiaayos.

Isa pang palabas na aabangan sa BuKo Channel ay ang Kusina ni Mamang top-billed by ace comedienne Pokwang with DJ JaiHo as her assistant.

Matagal na itong kinagigiliwan lalo na ng mga Mommies at kababaihan dahil sa recipes na inihahain kada espisode.

Mga lutong sabi nga ni JaiHo eh, mula sa dibdib o puso ni Mamang na nagisnan na nito at natutunan sa personal na buhay.

Kung mayroon silang pangarap pang maging panauhin sa palabas nila na nagpapakita ng kultura at tradisyon sa sari-saring rehiyon ng bansa, ‘yun eh sina Papa P (Piolo Pascual) o Angelica Panganiban, pati na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Natutuwa nga si DJ JaiHo at ang iba pang palabas dahil tila nagsasanib-puwersa ang sari-saring networks sa pagpapahiram ng kanilang mga artist sa naturang mga palabas.

Ang ikatlo pang programang siguradong papatok ay ang BalitaONEnan na magtatampok sa brainy na si Alex Calleja, comic Wally Bayola, witty Kalad Karen, at ang hahawak as director with a brilliant mind na si John Lapus.

Kung nakaabot kayo sa palabas na gaya ng Sic O’Clock News noon at kapanabayan na mga temang may sangkap na satiriko, ngayon sasabay naman sila sa ikot ng social media sa paghahatid ng mga balitang magde-detoxify sa mga unang news shows na mapapanood natin. Gabi-gabi ito.

Mula sa iba’t ibang networks ang sanib-puwersa ngayon sa mga palabas sa BuKo Channel.

So, it feels good!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …