Monday , December 23 2024

 ‘Cancel culture’ naging kaugalian na ng tropang Marcos para ‘makatakas’ sa publiko?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI ba ang isa sa tinitingnan na katangian sa isang kandidato para ilulok sa posisyon ay ang kanyang commitment o ‘katapatan’ hindi lamang sa hinahangad na posisyon kung hindi lalo sa mamamayan?

E paano kung ang kandidato ay kulang sa katapatan, ano ang dapat na gawin sa kanila? Ops, hindi ko sinasabing huwag silang iboto ha at sa halip, kayo na ang bahalang humusga. Matatalino naman kayo, my dear Filipino voters.

Paano rin kung ang kandidato ay mahilig sa ‘hide and seek?’ Dapat ba silang iluklok? Tinutukoy na mga mahilig magtago ay ang mga kandidatong tumatanggi sa political debates at political rallies.

Naku po, nasaan ang katapatan ng kandidato kung parati naman nitong pinagtataguan ang mamamayan o may ugaling ‘cancel culture” ‘ika nga. Iyon bang naging kaugalian na ang hindi pagsipot sa pulong o laging pagkakansela sa mga imbitasyon sa kanya. May “K” bang maging lider ang mga kandidatong may ‘cancel culture’ attitude? Wala tayong pinatatamaan na kandidato at sa halip ay bato-bato sa langit na lang.

Pero ang ‘ika ni dating Congressman Erin Tañada, senatorial campaign manager ng kampo ni Robredo-Pangilinan, ang isang lider ay nararapat na tapat at hindi iyong mahilig sa larong tagu-taguan o mahilig magkansela ng mga imbitasyon tulad ng kampo ni presidential aspirant, at dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., na nakaugalian na ang sinasabing ‘cancel culture.’

Paano raw kasi, nakaugalian na ng tropa ni Bong Bong ang laging hindi pagsipot o pagtanggi sa imbitasyon sa political debates maging ang hindi pagsipot sa ilang political rallies.

“Leadership is about showing up. It is about honoring commitments. The presidency is not a game of hide-and-seek,” pahayag ni Tañada.

“If what drives Marcos to go back to Malacañang is to relive the ‘taguan’ game in the house of his youth, naku delikado ang bayan d’yan,” pagkondena ng dating mambabatas.

Teka, hindi ba sa rally maihahayag mabuti ng isang kandidato sa mamamayan ang kanyang plata porma para sa kanyang gobyerno? E paano na kung hindi sisiputin ang rally? Paano na ang mamamayan? Importanteng malaman ng mamamayan ang plata porma na pagbabasehan kung dapat iboto ang kandidato.

“Explaining the platform of government to the people is an important task, especially for one who is gunning for the seat in the palace. He cannot just hide from his call of ‘unity, “Unity in itself is not a platform, not a plan, dagdag ni Tanada.

“Yes, we can be united, but united for what? United for whom? Marcos is not a unifier, he’s the most divisive factor in this election,” pahayag ni Tañada.

Sinabi ni Tañada, ang madalas na pagkansela ni Marcos sa kanyang public engagement ay magiging dahilan pa ng pagkansela niya sa mga susunod na importante pang engagement, kaya magiging isang milagro na lang ang kanyang pagkakapanalo.

Sa ipinakikitang ‘cancel culture’ attitude ng kampo ni Marcos, may punto si Tañada sa pagsasabing darating ang panahon na halos lahat ng importanteng engagement para sa bansa ay ipakakansela na rin ng kampo ni Marcos.

“Ngayong debate at rallies lang ang kanyang ikina-cancel, kung bibigyan ‘yan ng pagkakataon, ang ika-cancel niya ang asenso ng bansa, ika-cancel niya ang ating COVID recovery, kanselado ang ating pag-unlad,” pagkondena ni Tañada.

Ilan beses nang napaulat na madalas na hindi pinapaunlakan/tinatanggihan o hindi sinisipot ni Marcos ang presidential interviews at mga debate kabilang na rin ang ilang major media events.

“The spate of ‘rally cancellations’ that hit the Marcos camp cannot only be blamed on their candidate’s poor work ethic, but also on the lack of popular support. It is the very reason behind the cancellation of the Antique political gathering of the Marcos camp on February 24,” sabi pa ni Tañada.

Hindi rin maiwasan na ikompara ni Tañada ang mga rally ng Marcos camp sa kanilang rally kung saan ay malugod na tinanggap ng publiko ang kanilang kampo. ‘Ika nga ng dating mambabatas, ang mga malakihang rally ni Leni ay buhay na buhay habang sa katunggali ay ‘low-bat’.

“The “Robredo juggernaut” has been holding multiple rallies in a day, ‘as many as four in fact’,” ani Tañada.

Sa mga susunod na 36-oras, anim na lungsod sa apat na probinsiya ng Caraga ang puntiryang puntahan ng tropa ni Robredo at kaya naman marami ang nagpupuntahan sa rally ay dahil tiyak ng mga supporter ng bise na sisiputin sila ni Leni. Meaning hindi sila iindiyanin ni Robrero.

Ang nakatutuwa sa Leni campaign ay boluntaryong

nagpupuntahan ang mga tao, sariling gastusin, nagdadala ng baon na makakain, iwinawagayway ang kani-kanilang homemade posters, kasi alam nilang hindi sila bibiguin ni Leni. In short, alam nilang haharapin sila ni Leny.

“The difference between VP Leni, who has a disciplined work ethic, and Marcos is that Leni will show up while people will be stood up by Marcos,” pahayag pa ng dating kongresista

Sa mga political rallies ng kampo ni Robredo, makikitang boluntaryong nagpupuntahan ang publiko tulad sa Naga – 20,000 ang attendance ng suppoters; 20,000 sa Quezon City; 40,000 sa Iloilo; 47,000 sa Cavite habang 45,000 sa Bulacan.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …