Friday , November 15 2024
Leni Robredo Cavite

Supporters na Caviteño hakot at bayaran
BINTANG NI REMULLA IRESPONSABLE, INSULTO SA KABABAYAN — LENI

IRESPONSABLE at insulto sa mga kababayang Caviteno ang bintang ng isang politiko sa lalawigan na hinakot at binayaran ang may 47,000 supporters na dumalo sa grand rally ni presidential aspirant, Vice President Leni Robredo sa Gen. Trias kamakailan.

“Unang-una hindi ‘yun totoo, number two, very irresponsible ‘yung statements na ‘yun kasi wala naman pagbabasehan, at pangatlo, insulto naman ‘yun. Insulto ‘yun alam ko statement iyon ng politician from Cavite. Insulto sa mga provincemates,” sabi ni Robredo sa panayam sa programang KandidaTalks Presidential Forum sa One PH kagabi.

Ang pahayag ni Robredo ay tugon sa akusasyon ni Cong. Boying Remulla na bayad ng tig-P500 ang mga supporter na nagpunta sa Cavite rally ni Robredo.

“Nandoon ako, nakita ko ‘yung tao, ‘yung energy level ng tao from start to finish. Kapag bayad yata hindi ganoon. Wala naman akong nakitang truck o bus na nagdadala sa mga tao. In fact, papunta roon nakita ko ang daming naglalakad. Punong-puno na ‘yung grounds, ang daming naglalakad papunta roon,” anang Bise-Presidente.

Pawang mga lokal aniya ng Cavite ang nag-organisa ng pagtitipon at naglabas ng opisyal na pahayag kaugnay sa bintang ni Remulla.

“‘Yung suot ng mga tao iba’t ibang shades of pink, iba ibang klase ng t-shirt, kanya-kanyang gawa ng campaign paraphernalia at ‘yung organizers on the ground naglabas na sila ng official statement. Sila ang makapagsasabi dahil ang nag-organisa ng buong rally, ng production sila, ‘yung locals. Sila ‘yung makapagsasabi kung meron ba roon binayaran,” aniya.

“Unang-una wala rin kami pambayad at hindi namin ‘yun gagawin kasi kung magbabayad kami ng attend, sinong niloloko namin ‘di ba, sarili rin namin ang lolokohin namin. Mas mabuti na organic ‘yung pumupunta dahil naa-assses mo kung gaano ka kalakas,” giit ni Robredo.

Inamin ni Robredo, nalungkot siya na hindi pinahalagahan ang dignidad ng mga Caviteño sa walang habas na pag-aakusang bayaran sila.

“Pero ako nalulungkot ako na magre-resort sa ganito, na hindi pinapahalagahan ‘yung dignidad ng mga taga-Cavite. Ito kung may pruweba, ilabas ang pruweba pero ‘wag naman ‘yung basta na lang mag-a-accuse na very irresponsible.”

Kaugnay sa red-tagging o pagbabansag na maka-kaliwa ang kanyang mga tagasuporta, nina Remulla at presidential candidate Sen. Panfilo Lacson, binigyan diin ni Robredo na walang basehan ito.

“Tapos ‘yung koalisyon ba o sabwatan, ewan ko kung anong term ang ginamit. Ano ‘yung basis ‘di ba? Ako wala akong nakita at all na any indication na puwede kaming ma-accuse na nakikipagsabwatan kami,” wika niya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …