Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Sa Mabalacat City, Pampanga
2 NOTORYUS NA DRUG SUSPECTS DERETSO SA SELDA

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng dalawang pinaniniwalaang notoryus na personalidad sa droga sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nang masakote ng lokal na pulisya nitong Linggo, 6 Marso.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno kay P/Col. Robin King Sarmiento, provincial director ng Pampanga PPO, nagsagawa ang mga operatiba ng Mabalacat City Police Station (CPS) ng anti-illegal drug operation sa bahagi ng Dela Cruz St., Marcon Phase 2, Brgy. Dau, sa naturang lungsod, dakong 1:22 am kamakalawa.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip ng dalawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga na kinilalang sina Edmon Ilan, 41 anyos; at Joey Aguilar, 45 anyos, kapwa mga residente sa nabanggit na lugar at nakatala sa database ng drug personalities.

Nakompiska mula sa mga suspek ang tatlong piraso ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na apat na gramo at DDB value na P27,200 at isang piraso ng P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Mabalacat CPS ang dalawang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Mabalacat City Prosecutors’ Office. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …