Monday , December 23 2024
Angat Dam

Sa Bulacan
Water level ng Angat Dam patuloy sa pagbaba

PATULOY ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan na nagbibigay ng 96 porsiyento ng tubig sa mga residente sa Metro Manila.

Ayon kay National Water Resources Board Executive (NWRB) Director Sevillo David, Jr., kasalukuyang nasa 195.32 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam na mababa ng 16.68 metro sa normal high water level nitong 212 metro.

Dahil dito, Enero pa lamang aniya ay naghahanda na sila upang maiwasan ang lalong pagsadsad ng tubig sa naturang dam, tulad ng pagsasagawa ng cloud seeding operations para sa buwan ng Marso hanggang Abril.

Dagdag ni David, 210 hanggang 212 metro ang kailangang habulin o dalawang malalakas na ulan at dalawang bagyo ang kailangang direktang tumama sa water shed ng Angat Dam upang maabot nito ang normal high water level.

Gayon pa man, nilalakad na anila ang mga hakbang upang mapangasiwaan ang sitwasyon kasama ang Manila Water Sewerage System (MWSS), National Irrigation Authority (NIA) at mga magsasaka sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …