Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rowena Guanzon

Red-tagging ng kandidato at supporters, Election offense

ISANG election offense ang red-tagging o pagmamarka sa isang tao o mga grupo na sangkot sa komunistang grupo lalo na’t ginamit upang takutin at gipitin ang mga kandidato at mga tagasuporta.

Babala ito ni retired Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon kasunod ng bintang ni Cavite Rep. Boying Remulla na ang mga nagpunta sa grand rally ni presidential candidate, Vice President Leni Robredo ay mga bayaran at ang iba’y mga aktibistang sinanay ng National Democratic Front (NDF).

Sa isang tweet, sinabi ni presidential bet Sen. Panfilo Lacson na nakababahala na maaaring magbuo ng coalition government si Robredo kasama ang CPP-NPA-NDF kapag nagwaging presidente ng bansa.

Si Lacson ang pangunahing nagsulong ng Anti Terror Law, ang batas na mariing tinututulan at kinuwestiyon ng iba’t ibang personalidad at cause oriented groups sa Korte Suprema.

“Red-tagging again? That’s old. And if you push it harder that is an election offense: intimidating harassing campaigners or supporters,” ani Guanzon sa isang tweet kamakalawa.

Alinsunod sa Omnibus Election Code, itinuturing na election offenses ang “threats, intimidation or putting others at a disadvantage in participating in a campaign.”

Ang Comelec ang may esklusibong kapangyarihan para magsagawa ng preliminary investigation ng lahat ng election offenses. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …